Chapter 36 - One call away
"Anong nangyari?"
Iyong bahay ko, iyong dating apartment ni Seb na binili ko...kulay uling na!
"Ma'am, kayo po ba ang may-ari ng bahay na ito?"
Tanong sa akin ng isa sa mga bomberong umapula ng apoy.
"O-Opo. Ako nga ho. Ano po ba'ng nangyari?"
Iyong bahay ko! Iyong bahay ko!
"Mukhang nagkaroon po ng short circuit maam. Mabilis pong kumalat ang apoy dahil na rin sa pagsabog ng iba pang mga kagamitan sa loob. Sa ngayon po tuluyan na naming naapula ang sunog ngunit hindi pa rin po ligtas ang lumapit dito dahil posible pong magkaroon ng falling debris dulot ng pinsala."
Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panlulumo.
Dito ako ngayon kasalukuyang tumutuloy habang tambak pa ang mga kailangan kong gawin dito sa Maynila. Hindi pa nalo-launch ang panibagong libro na sinulat ko at nakapila pa ang mga endorsement na gagawin ko.
Lumabas lang ako saglit para bumili ng malamig na tubig dahil nasira iyong ref ko tapos pagbalik ko ito na pala ang sasalubong sa akin.
Wala man lang akong naisalba maski ano maliban dito sa suot ko at sa limang pesong sukli sa binili kong bottled water.
"Ano namang gagawin ko sa'yo?"
Tanong ko habang nakatitig sa mumunting barya.
"Ma'am, ayos lang ho ba kung maiwan na po namin kayo? Na-secure na po namin ang lugar. May panibago lang ho kasing report ng sunog."
Wala akong magawa kaya tumango na lang ako.
Ilang minuto rin akong nakasalampak sa sahig hanggang sa maalala ko na may pay phone nga pala malapit dito.
"Tama! Tatawagan ko si Russel!"
Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa pay phone booth.
Ihuhulog ko na sana ang natatanging barya ng maalala ko na...nasa Japan pala ngayon si Russel!"
"Pesteng buhay ito! Pumunta siya roon para sa isang business deal at sa makalawa pa nga pala ang uwi niya!"
'Tawagan mo lang ako kapag nagkaproblema.'
Biglang nag-echo ang boses ni Seb sa balintataw ko. Sinabi niya iyan noong isang araw pagkahatid niya sa akin pauwi. Nasiraan kasi ako ng sasakyan.
Hinulog ko na ang barya saka idinial ang numero niya.
Nakatatlong ring muna bago niya sinagot.
"What the fuck do you need!"
Grabe, wala pa nga akong sinasabi mainit agad ang ulo!
"H-Hello Seb si------"
Hindi pa ako tapos magsalita ay ibinaba niya na ang telepono!!l
Nabitawan ko na lang ang telepono sa sobrang frustrations.
"Iyong tanging solusyon ko, naglaho na parang bula."
Wala sa huwisyo kong nasabi habang dahan-dahang dumadausdos ang katawan ko sa salaming dingding ng pay phone booth.
Nang tuluyan na akong mapaupo ay namaluktot na lang ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa mga brasong nakayakap sa mga binti ko.
Ganoon lang ako hanggang sa makarinig ako ng tunog ng sasakyang huminto sa malapit. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy ako sa tahimik na pag-iyak. Gabi na kaya siguro naman walang makakakita sa akin.
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Художественная прозаSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...