Chapter 34 - Their story
Nagising ako ng may maramdaman akong tila humahaplos sa buhok ko.
Cause here in my heart
There's a picture of us.Together forever
Unfaded and Unbroken.Wherever you are
Your love covers me.Forever more
You'll be here in my heart.Ang sarap sa tainga ng kanta. Para ako nitong hinihele. Ang lamig ng boses, bagay sa kanta.
Teka, may kumakanta?
Nagmulat agad ako ng mata at sa pagbukas nito ay ang nakangiting mukha ni Seb ang nabungaran ko.
Tatayo sana ako dahil napansin kong sa mga hita niya pala nakapatong ang ulo ko. Kaya pala kumportable ang pagkakahiga ko kanina. Ang kaso, nanakit bigla ang likod ko.
"Don't move. Marami kang gasgas at sugat sa katawan. Baka may bali ka rin, kaya mas makabubuti kung hindi ka muna gagalaw. Pakiramdam mo muna ang katawan mo."
Ginawa ko ang sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang katawan ko.
"Saan masakit?"
Saan nga ba?
"Parang namamanhid ang paa ko."
Iyon kasi talaga ang pinaka napansin ko. Iyong mga gasgas at sugat ko naman mahapdi lang.
"Sa paa lang? Wala na sa ibang parte?"
Tanong niya ulit.
"Hmm..paa lang talaga."
Pagkasabi ko noon ay dahan-dahan niya na kong iniangat paupo.
Doon ko lang nakita na natatalian pala ng panyo ang paa ko kaya ito namamanhid. May tela ring nakabalot sa bandang ibaba ng panyo.
"May sugat ka riyan kaya ko binendahan."
Pagpapaliwanag niya.
"Hindi mo na dapat pa sinira itong damit mo para lang ipantapal sa sugat ko."
Ang kaninang damit nito ay punit na na siyang ipinantapal sa sugat ko kaya naman wala na siyang pang-itaas, at kitang-kita ko ngayon ang walo nitong pandesal.
"Ayos lang, kaysa naman hayaan ko lang iyang magdugo at maimpeksyon."
Tapos iyong mata ko naman ang maiimpeksyon!
Oh Russel, sana mapatawad mo ang mata ko.
"Sorry. It's my fault. If I didn't dragged you here, it wouldn't happen. Hindi, kung hindi pala kita pinilit magtrabaho para sa kompanya ko, hindi sana ito mangyayari."
Hindi ko magawang tumingin nang deretso rito dahil sa walang pandesal na kumakaway.
"Stop that.."
Napamulagat ako.
"Ha?"
"Stop staring at my topless body. Baka hindi ko mapigilan, masunggaban kita."
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi ko.
"Tigilan mo nga ako Seb! S-Sa bato sa likod mo kaya ako nakatingin."
Nahuli niya ako!
"I'm just joking. Masiyado ka namang defensive. Bakit wala ba si Jim nito?"
Nang-asar pa!
"Syempre meron."
Meron naman talaga eh.

BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
General FictionSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...