Chapter 6 - She's mine
Sebastian
"Ahm.. Salamat talaga."
Believe it or not, si mangkukulam iyan and yes nandito kami ngayon sa bahay ko. Dahil no choice at mukhang wala na talagang matutuluyan ang babaeng ito, plus iika-ika pa siyang maglakad kaya heto't sa pangalawang pagkakataon ay makikitulog na naman siya rito.
"Pati pala sa pagkain, salamat na rin."
Kung hindi lang parang baboy na kinakatay iyong tunog ng tiyan ng babaeng ito kanina hindi ko siya pakakainin.
"Will you stop smiling? Its hella annoying."
Ano ba'ng mayroon sa mangkukulam na ito at kanina pa ngiti ng ngiti? Oo na, siya na ang may dimples na malalim at pantay na mapuputing ngipin. Ewan, nababanas ako sa mga tingin at ngiti niya. May nararamdaman kasi ako na kung ano. Basta. Kakaiba. Hindi ko maipaliwanag.
Hindi siya nagpatinag sa sinabi ko. Sa halip ay mas lalo niya pang nilaparan ang pag ngiti at inilapit ang mukha niya sa'kin. Napaurong ako bigla sa ginawa niya. The fuck is her problem!
"Bakit ba ang sungit sungit mo? Alam mo hindi bagay diyan sa mukha mong guwapo."
Para akong kinakabahan sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pagkasabi niya noon ay ngumiti ulit siya ng malapad at ewan ko ba, para akong nakakita ng mga kumikislap-kislap na ilaw sa paligid ng mukha niya na lalong nagpatingkad sa maganda at maamo niyang itsura. Damn, stop that Sebastian!
Tumayo ako bigla at nagkunwaring hindi naapektuhan sa kaniyang sinabi.
"M-Magpapahinga na ko. Bahala ka na rito."
I hurriedly leave the place and went inside my room.
"Tsk, don't you ever forget that she's a cheap kind of girl."
Pangaral ko sa sarili saka ako nahiga sa kama.
Saglit lang nang makarinig ako ng marahang katok. Bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Ano kasi.. Ang totoo niyan.. Iyong.."
Ano ba'ng gusto nitong sabihin? Ang dami niya pang palabok.
"Will you go straight to the point?"
Bumuntong-hininga muna siya nang malalim saka ulit nagsalita.
"Ang totoo kasi niyan nanakaw iyong ibang gamit ko kanina sa kalsada. Sinubukan ko pang habulin iyong magnanakaw kaso ayon nga at hindi ko siya naabutan kaya kung puwede sana manghiram ng kumot."
Ibinagsak ko ang pinto matapos kong muling makaramdam ng kakaibang kabang hindi ko maipaliwanag. What's really happening with me? Akala ko napakalma ko na ang sarili ko kanina pagpasok ko rito.
It's already two am in the morning pero gising pa rin ako at walang ginawa kundi magpagulong gulong sa kama. Kahit anong pilit kong pumikit ay hindi ako makatulog.
Untill i decided to go down. Iinom lang ako ng tubig, swear.
Medyo madilim ang buong bahay dahil dim lights lang ang naka-on. Nasa may sala na ako nang mapansin kong blangko ang sofa. Nang mapadaan naman ako sa banyo ay bukas ang pinto at walang tao sa loob. Tumuloy ako sa kusina at ganoon din dito. Binuksan ko ang ref at kumuha ng bottled water saka uminom.
"So umalis siya ng ganun-ganon na lang. Walang utang na loob!"
Pagkasabi ko noon ay sinara ko na ang ref at naglakad paalis. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may mapansin ako na nakalitaw sa ilalim ng mesa.
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Fiksi UmumSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...