Chapter 18 - Endearment

542 22 1
                                    

Chapter 18 - Endearment

Sebastian

Kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito sa mall pero lenshak lang! Hindi ko makita ang girlfriend ko! Saan ba siya nagpunta?

Sa paglalakad-lakad ko hindi ko namalayang napadpad pala ako sa activity center ng mall. I was about to leave the place when someone from the stage caught my attention.

Si Hilary iyon ah?

Natanong ko sa sarili ko nang makita ko siyang nakatayo at nakatitig sa malaking screen sa ibabaw ng stage. She's seriously looking at the picture. Titig na titig siya sa litraro ng isang batang tila hinahataw ng sinturon ng isang parang lasing na lalaki dahil sa pula ng mata nito at nakagiwang na anggulo.

"Shit!"

Napamura ako nang bigla na lang siyang bumagsak sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis ko siyang tinungo sa stage. Isinandal ko siya sa akin at sinubukang tapikin sa pisnge ngunit hindi siya dumilat. Napansin ko rin ang dugo mula sa kaniyang ilong. Nakaramdam ako bigla ng takot dahil sa nasaksihan ko.

Dali-dali ko siyang binuhat at maingat na pinahiga sa loob ng sasakyan ko. Binilisan ko rin ang pagmamaneho patungo sa pinakamalapit na ospital.

Ano ba'ng problema ng pagkakataon? I was just anticipating for a memorable and happy first day for the both of us pero bakit ganito naman ang nangyari!

Napahilamos ako sa sarili kong mukha habang pinapalipad ko na sa bilis ang sasakyan ko dahil sa sobrang kaba at frustration.

Hilary. Please tell me you're okay!




"Tama na po tsong. Tama na po.."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nakikiusap sa kaniya pero tila siyang bingi at patuloy lang sa paghataw sa akin ng kaniyang sinturon.

"Tama na? Anong tama na? Wala ka namang pakinabang na bata ka kaya dapat sa'yo nilulumpo!"

Sige pa rin siya sa paghampas at sinasamahan pa ito ng mga sipa at tadyak sa mura kong katawan. Walang tigil ako sa pagpalahaw at pag-iyak. Patuloy ako sa pagdaing at impit na pagsigaw.

Halos magkakalahating oras siya sa pambubugbog sa akin hanggang sa mapagod siya sa ginagawa at saka ako sinabunutan at kinaladkad patungo sa banyo.

"Halika rito at tutuluyan na kita!"

Wala akong magawa. Hinang-hina na ako at hindi ko na halos magalaw ang katawan ko dahil sa sakit. Inilapit niya ako sa isang balde na puno ng tubig saka inginudngod ang mukha ko doon.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon