Chapter 33 - Enough
"He wants us to know that...he's the one who raped and ravaged my twin sister Hilary."
Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Para ba'ng hindi siya makapaniwala na inihayag ko sa lahat ang itinatago niyang kademonyohan.
Oo, I hate him---no, let me replace it. I loathe him!
Isinusumpa ko siya! Sana inantay niya na lang na mabulok siya sa America at hindi na nagtangka pang bumalik dito.
Walang kapatawaran ang lahat ng ginawa niya, wala!
"S-Siguro matulog na tayo guys. Mukhang pagod na yata lahat eh."
Panghihikayat ng isa sa mga staff kaya nagsialisan na ang iba naming kasama at tinungo ang kaniya-kaniya nilang tent.
"Can we talk."
Nakaramdam ako ng lamig sa sinabing iyon ni Saavedra nang kaming dal'wa na lang ang naiwan.
Tumayo na siya at naglakad nang walang lingon-lingon kaya sumunod na lang ako.
Huminto kami sa isang lagar na may kalayuan sa mga kasama namin. Medyo magubat at madilim na sa parteng iyon at tanging mga kuliglig na lamang ang maririnig.
"Slap me, kick me, punch me, do whatever you want. Release that anger of yours. Do it."
Gulat ang naramdaman ko nang humarap siya sa akin at sinabi ang mga salitang iyan.
"Do it Joyce!"
I don't know but his shouting words provoked me to released all the lividity and hatred I hid for the longest time.
I slapped him, kicked him, and punched him. Hard as I could.
May mga pagkakataon pang sinabunutan ko siya at kinalmot sa mukha.
Hindi ko mapigilan. Sa bawat hampas ng mga kamay, braso at binti ko sa katawan niya ay pakiramdam ko lumuluwag ang pakiramdam ko at nababawasan lahat ng sakit at puot na nararamdaman ko.
Hindi siya gumaganti, hindi siya lumalaban. Hinahayaan niya lang ako sa ginagawa ko sa kaniya. He never showed that he was in pain pero iba ang sinasabi ng namumula niya ng mukha at katawan. Unti-unti na ring lumalabas ang dugo sa maliliit na sugat na dulot ng aking mga kuko sa mukha, dibdib at braso niya. Tahimik lang siya. Nakatitig lang siya sa akin habang sinasalo lahat ng galit ko.
Hanggang sa nanghina na ako. I was about to fall into the ground pero pinigilan niya iyon sa pamamagitan ng pagyakap ng mahigpit.
Hindi na ako makapalag. Naubos na lahat ng lakas ko dahil sa ginawa ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto kami inabot sa ganoong posisyon. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbilis ng kaniyang paghinga at marahang pag-alog ng kaniyang mga balikat.
Umiiyak ba siya?
"Y-You can kill me if you want. Hindi kita pipigilan."
Nagsasalita siya habang nakayakap pa rin sa'kin.
Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya.
"Kulang pa iyon. Alam kong kulang pa iyon. Hindi sapat ang pagiging miserable ng buhay ko sa loob ng limang taon kumpara sa lahat ng sakit na idinulot ko sa'yo. Simula ng mawala ka sa'kin, pakiramdam ko namatay na rin ako. Isinubsob ko ang sarili sa trabaho para lang makalimot sa lahat pero hindi ko pala kaya. Hindi ko nagawang kalimutan ka. I never let myself to be happy simula ng tuluyan kang malayo sa'kin. I didn't celebrate any occasions, I didn't hang out with anybody. I deprived myself of the normal life I used to have before, noong hindi pa tayo magkakilala at kahit noong maging tayo na. Do you know why? Becuase it wouldn't be the same at all. Dahil wala ka, dahil hindi ikaw ang kasama ko. Sa'yo lang naman ako nagiging masaya. Sa'yo lang ako nakakaramdam ng kaligayahan. God knows kung ilang beses kung sinubukang umuwi, sundan ka, humingi sa'yo ng tawad, kalimutan na lamang ang lahat at magsimulang muli kaso hindi ko nagawa. Naduwag ako. Natakot ako na baka hindi mo na ako tanggapin. Hindi ko kayang maramdaman ulit lahat ng sakit. Lalo na kung ikaw ang magdudulot noon. Baka ikamatay ko na ng tuluyan. Baka hindi ko kayanin. There are times na nagpapakalasing ako. Naghahanap ng gulo at kapag nakahanap na ako ng mga kaaway ko, I didn't faught back. Hinahayaan ko lang sila na saktan ako, na bugbugin ako, dahil sa paraang iyon naigaganti kita sa'kin, sa sarili ko."
Ramdam ko ang mainit niyang hininga at ang unti-unting pagkabasa ng parte ng damit ko sa aking balikat dahil sa pagkahilig ng ulo niya roon.
Hindi ko malaman kung anong klaseng emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nararamdaman ko ang bawat sakit at pighati sa bawat salita niya. Alam kong totoo lahat ng sinasabi niya dahil nararamdaman ko, ramdam na ramdam ko.
"H-Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng galit. Binulag ako ng puot. Maniwala ka, please paniwalaan mo ko. Patawarin mo ko. Nakikiusap ako patawarin mo ko. Patawad."
Parang mga karayom ang bawat paghingi niya ng tawad. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad kahit nahihirapan na siyang magsalita dulot ng kaniyang pag-iyak.
Ngayon ko napagtatanto lahat. Kagaya ko nasaktan din siya. Kagaya ko nahirapan din siya. Naging miserable ang buhay niya dahil patuloy lang siyang binabangungot ng nakaraan, ng mga alaala. Masasakit na alaala. Pinahihirapan lang namin ang mga sarili namin sa pagkakakulong sa nakaraan. Tama na siguro. Sapat na siguro ang lahat.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at marahang pinunasan ang kaniyang pisnge na tigmak na ng luha gamit ang dalawa kong kamay. Tinitigan ko siya sa mata.
"Pinapatawad na kita. Pinapatawad na kita Briner."
A small smile form into his lips. Hindi man lubusan ngunit alam kong kahit papaano ay nabawasan ang bigat na dinadala niya.
"Salamat. Maraming salamat Joyce."
At alam kung naiintindihan niya iyon. He was asking Hilary's forgiveness through me. Dahil nakikita niya sa'kin ang galit at panibugho na posibleng dinala rin ni Hilary. Iniisip niya na kapag napatawad ko siya ay parang si Hilary na rin ang nagpalaya sa kaniya mula sa lahat. I know he deserves it. He deserves to be forgiven dahil tao lang din siya, tao na nagkakamali at may karapatang magsimulang muli.
Matapos ang mahabang katahimikan ay nagdesisyon na kaming bagtasin ang daan pabalik.
Ang sarap sa pakiramdam. I felt relieve. Parang isang closure ang nangyari.
"Joyce, stop."
Tumigil ako sa paglalakad dahil sa halos pabulong na sabi ni Seb. Oo, Seb na ang tawag ko sa kaniya. Hiniling niya iyon kasi raw pakiramdam niya galit pa rin ako sa kanya kapag tinatawag ko siyang Saavedra, at para man lang makabawi sa lahat ng kalokohang ginawa ko ay pumayag na rin ako.
"Bakit Seb?"
He look frightened when I saw his expression.
"M-May baboy ramo. Huwag kang gagalaw."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Dahan-dahan akong lumingon sa harap at nanlambot ang tuhod ko nang makita ang baboy ramong tinutukoy nito.
Nakatingin ito sa amin habang nanlilisik ang mga mata at tumutulo ang laway.
"Huwag kang gagalaw. Tatakbo ako para mapunta sa akin ang atensyon niya. Kapag hinabol niya na ko saka ka magmadaling umalis. Bumalik ka sa mga kasama natin at kapag hindi ako nakabalik hanggang kinaumagahan, huwag niyo na kong hanapin."
Nakaramdam ako ng takot dahil sa ibinilin niyang iyon.
"Nasisiraan ka na ba ng bait?"
Sinong tanga ang magpapahabol sa baboy ramo?
"Wala na tayong option. It's either mamatay tayo pareho o may isa sa ating makakaligtas."
I felt goosebumps.
"I-I can't. Seb hindi ko kaya."
Naiyak na ako dahil sa tensyon. I felt hopeless.
"Just to it. At the count of three tatakbo na ko."
No, this can't be.
"Seb huwag."
He already started to count.
"Three!"
Mibilis ang naging pangyayari.
Naglaho agad ang baboy ramo sa harap ko kasabay ng pagtakbo ni Seb.
Nataranta ako kaya basta na lang ako tumakbo palayo sa lugar na iyon. Hindi ko na masyadong tinitignan pa ang dinaraanan ko. Basta takbo lang ako ng takbo hanggang sa namalayan kong nagpagulong-gulong na ang katawan ko pababa sa dinaraanan ko. Nakaramdam ako ng pananakit at pamamanhid ng katawan dahil sa lakas ng pagkahulog ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Художественная прозаSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...