Chapter 31 - A big no
Sebastian
Kakaiba talaga ang Joyce na iyon. She hit me the moment she said that she don't care even my company would collapse and lose everything. Napilitan na tuloy akong takutin siya ng tuluyan. Wala naman sa plano kung gamitin si Jim at ang anak nila kung hindi lang dahil sa katigasan ng ulo niya. I left with no choice kaya kumapit na lang ako sa tyansang baka sakaling tablan siya kapag pamilya niya na mismo ang ginamit ko and it happened.
She went in my office and signed the contract. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis ng makita ko kung gaano ka-revealing at kaiksi ang suot niyang bestida. Siguro dahil nakikita ko nga si Hilary sa itsura niya though malayo ang mga ugali nila sa isa't-isa. If Hilary is alive now at makikita ko siyang ganoon ang suot siguro ay huhubarin ko ang sarili kong damit para lamang takpan siya.
Possessive na kung possessive but Hilary's body is for my eyes only!
At dahil nga iisa sila ng mukha kaya siguro ako naburyo. Napagsalitaan ko tuloy siya ng wala sa oras. I know it's a little bit rude pero hindi ko lang talaga napigilan.
Dumating ang araw ng bithday ko so I went home to celebrate it with my parents. Nakakamiss din pala. Five years din kasi akong hindi nag-celebrate ng kahit na anong okasyon simula ng mawala sa'kin si Hilary.
"Happy twenty fifth birthday para sa bestfriend kong sumobra na yata ang pagiging seryoso ngayon sa buhay. Smile dude. Birthday celebration mo ngayon, hindi libing."
Bungad sa akin ni Jim pagkarating na pagkarating nila.
"Fuck you Jim."
Tinakpan naman agad ni Joyce ang magkabilang tainga ng kargang bata ni Jim.
"Will you please stop saying unnecessary words. May inosenteng bata rito kung hindi mo nakikita birthday celebrant."
Hindi talaga namimili ng oras ng pagtataray ang babaeng ito.
"Okay na momsy sexy. Hindi na magsasalita si Seb ng bad words. You can remove your hands already."
Tinanggal na niya ang kamay sa anak pagkasabi noon ni Jim.
"By the way dude, this is our cutest daughter, si baby Hera. Say hi to your tito Seb baby."
Ngumiti na lang ako after seeing their angel. Totoo nga. Sobrang cute nito at sobrang ganda pa. Lots of her features ay nakuha niya sa ina, pati kulay ng balat puting-puti rin.
"Hello tito handsome."
I smiled widely with her cuteness.
"Mukhang mana sa'yo itong anak mo Jim. Magaling ding mambola."
Bigla itong kinuha ni Joyce mula kay Jim.
"Excuse me, may kalabuan lang talaga itong mata ng anak ko. Mahilig kasing magbasa. Tara baby, doon tayo sa ibang lugar. Baka kasi mahawa ka sa pagiging monter ng ibang tao rito. Mahirap na. Mukha ka pa man ding anghel."
Mukha namang natakot ang baby niya.
"No, lets leave momsy sexy. I hate monsters."
Lumayo na si Joyce kasama ng baby niya after Hera said those.
"Pasensya ka na pare sa asawa ko. Mukhang mainit talaga ang dugo sa iyo."
Tinawanan ko na lang si Jim. Ayoko naman na magkasira kami nang dahil lang sa hindi namin pagkakaintindihan ng asawa niya.
Dumating ang oras ng pagbubukas ng regalo. Para akong pinana ng isang libong palaso ng bumungad sa akin ang isang kahong puno ng larawan ni Hilary kung saan nasa ospital siya at walang malay. Mayroon ding mga litrato kung saan makikita ang mga sugat at pasa niya sa katawan.

BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
General FictionSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...