Chapter 16 - His everything

576 25 0
                                    

Chapter 16 - His everything

Sebastian

"Hilary bakit? Bakit kailangan mong umalis kung kailan...mahal na kita?"

Hindi ko na maipaliwanag ang mga imosyon na nararamdaman ko ngayon pero sa lahat ng iyon, nangingibaw ang takot. With this mix emotions, I know it would sound gay pero hindi ko na talaga napigilan pa ang mga luhang tuluyan ng pumatak mula sa traydor kong mga mata. Maybe this is because of my fear na mawala na siya ng tuluyan sa'kin.

Ngayong alam niya na ang totoo kong nararamdaman, hindi naman ako sigurado kung may nararamdaman din siya para sa'kin.

Paano kung wala at maging rason pa ito para mas lalo siyang lumayo at hindi na magpakita pang muli?

I can't stand that! Fuck! I don't wanna live the rest of my life without her by my side! Baka mabaliw na lang ako ng tuluyan!

Walang kahit isang salitang lumabas sa bibig niya. Nakatitig lang siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Hilary, alam kung mahirap paniwalaan. Siguro nga masiyadong mabilis pero anong magagawa ko kung ito tlaga ang nararamdaman ko?"

Doon lamang ito kumurap.

"B-Briner."

Kulang pa ba talaga ang apat na buwan para ma-develope ang feelings ko para sa kaniya?

"Isa pa, there's no any reason for me to hide it. Walang mali sa pagpapakatotoo."

At wala talaga akong plano na itago kung ano mang nararamdaman ko lalo na para sa babaeng mahal ko.

"S-Sigurado ka ba talaga riyan Briner? Hindi ka ba nagbibiro? Baka mamaya may nakain ka lang na kung ano kaya kung anu-ano na rin ang pinagsasasabi mo. O baka naman nauntog ka sa kung saan kanina kaya wala kang malay sa mga bagay na lumalabas diyan sa bibig mo. Puwede ring may sakit ka tapos inaabot ka na ng pagdidileryo or worse baka na-----"

I cut her words. Kung anu-ano na kasing sinasabi.

"I love you Hilary. I really do. I've never been so sure in my whole life, ngayon lang. Sayo lang."

Mahirap ba talagang paniwalaan lahat ng sinasabi ko ngayon?

Hindi na naman siya umimik. Mukhang hindi nga talaga kami pareho ng nararamdaman para sa isa't-isa.

"You don't have to say anything Hilary. Gusto ko lang na malaman mo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kaimportante sa akin. Hindi kita pipiliting suklian itong nararamdaman ko para sa'yo. Just let me protect and care for you. Hayaan mo lang akong mahalin ka. Hilary please, please bumalik ka na sa bahay."

After saying those, lakas-loob na akong lumuhod sa harapan niya. Wala na akong pakialam kung iisipin niyang baliw na ako pero mamabaliw talaga ako kapag umuwi ako nang hindi ko siya kasama.

"T-Teka...ano ka ba! Tumayo ka nga riyan Briner! Ano bang ginagawa mo?"

Nagpapanik na siya dahil dumarami na rin ang mga tao sa paligid na nakakakita sa eksena namin.

"Hindi ako tatayo rito hanggat hindi ka pumapayag na sa bahay ka na ulit uuwi. Please Hilary. Please."

"Naku miss, huwag mo ng pahirapan. Kawawa naman si pogi oh."

"Oo nga miss, naku jackpot ka na kay kuya. Wala ng ibang gumagawa niyan ngayon. Pang telenobela na lang ngayon iyong mga ganiyang eksena."

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon