Chapter 4 - In a bar

975 28 0
                                        

Chapter 4 - In a bar

Hilary

Mag aala-sais pa lamang ng umaga pero nandito na ako sa tapat ng dati kong tinitirhan. Iyong bahay na ibinenta na pala ni tita at pinaupahan naman ng may ari sa isang antipatikong lalaki. Tatlong araw na rin simula ng palayasin niya ako rito. Wala naman talaga akong balak na bumalik pa rito, kaso..

Flashback:

"Hilary.. Uy.. Hilary."

Mahimbing akong natutulog nang makaramdam ako na parang may tumutusok sa tagiliran ko.

"Hilary ano ka ba? Bakit dito ka natutulog? Diyos kong bata ka!"

Napamulagat ako ng maulinagan ang boses ng boss ko, ang manager ng bar na pinagtatrabahuban ko. Bumalikwas ako ng bangon at mabilis na pinagpag ang damit kong nagusot.

"Boss, ikaw pala 'yan!"

Pinilit ko siyang ngitian kaso imbes na ngiti eh ngiwi yata ang gumuhit sa labi ko dahil sa pagkapahiya. Naman kasi, isang buwan pa lang akong nagtatrabaho rito simula ng bumalik ako rito sa maynila tapos bigla niya akong maaabutan dito sa staff room ng bar na natutulog. Eh bihisan lang naman ito.

"Ang sabi ko bakit dito ka natutulog? Mukha na bang apartment sa'yo itong bar ko ha, Hilary?"

May pagsusungit nitong sabi habang pinandidilatan pa ako ng mata.

"Pasensya na po. Hindi po kasi ako nakapaghanap agad ng malilipatan kaya dito po muna ako nakitulog. Magpapaalam naman po talaga ako dapat sa inyo, kaso lang may kausap po kayo buong gabi hanggang sa matapos ang duty ko. Nakatulog na po ako sa pag-aantay."

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon