Chapter 24 - New beginning

626 17 1
                                    

Chapter 24 - New beginning

"Momsy sexy. Look look, Dadsy pogs brought me a new toy gun. Yepy."

Masigasig na sabi iyan ng cute na cute kong four-year-old baby girl. Oo, baby girl.

"Russel naman! Anong akala mo sa anak natin ha, magsusundalo?"

Ito kasing asawa ko, sumobra ang pagka-supportive sa anak namin. Pati ba naman pagkahumaling sa mga gamit at laruang panlalaki ay sinusuportahan.

"Huwag ng magalit si momsy sexy. Iniiyakan na kasi ako niyang anak natin kanina sa mall, eh naawa naman ako kaya ibinili ko na."

Sinubukan niya akong yakapin pero marahan ko lang siyang itinulak.

"What! Dinala mo na naman sa kung saan ang anak natin? Russel naman, kagagaling lang ng anak natin sa sakit! Gusto mo ba'ng maubos iyang bone marrow mo ha? Kapag nagkasakit ulit si baby Hera patay ka talaga sakin!"

Naramdaman ko na lang na may maliliit na bisig ang yumapos sa paanan ko.

"Momsy sexy, huwag na po ikaw magalit kay dadsy pogs. Sa mall lang naman po kami nagpunta. Please. Please, you love us right and we love you too so much momsy sexy."

Agad lumambot an depensa ko. Kapag talaga anak ko na ang naglambing sa akin, wala na akong magawa.

Binuhat ko ito at masuyo kong hinalikan sa pisnge.

"Naku, ang cute cute mo talagang bata ka. Kanino ka ba nagmana ha?"

Lumapit naman sa amin ang asawa ko at inakbayan ako.

"Kanino pa ba? Edi sa guwapo niyang dadsy pogs. Pakiss nga rin ako."

And my husband soundly kissed me.

"Yehey! Dadsy pogs kisses momsy sexy!"

Loko talaga. Akala ko kay baby Hera hahalik, sa akin pala.

"What? Na-kiss ko na ng marami si baby Hera. It's time na iyong isa ko namang baby ang halikan ko."

Kinindatan pa ako ng loko.

"Hindi ka man lang mahiya sa anak mo. Sa harap niya pa talaga."

Pinaningkitan ko siya ng mata at ang sutil talaga humirit pa.

"Edi doon tayo sa kuwarto natin para hindi nakakahiya kay baby Hera."

Hinampas siya ng mahina sa braso, pilyo talaga kahit kailan. Siya naman, ayon at tinawanan lang ako. Minsan tuloy naiisip ko, nag-asawa talaga yata ako ng baliw.

Maya-maya lang ay lumabas ang katulong namin galing kusina.

"Maam Joyce nasusunog na yata iyong niluluto mo!"

Patay!

Mabilis kong inabot si baby Hera kay Russel at tinungo ang kusina.

"Naman. Nasunog na nga."

Naaliw kasi ako ng tuluyan sa mag-ama ko kaya nakalimutan kong may niluluto pa pala ako.

More than five years na kaming kasal ng asawa kong si Jim Russel De dyos. Ikinasal kami mismong pasko kung saan ipinagbubuntis ko na rin sa unang buwan ang baby Hera namin. That was the happiest day of my life. Dobleng saya dahil pinag-isa na kami ng lalaking mahal ko plus bonus pa dahil magkaka-anak na rin kami.

Everything went well sa loob ng mahigit limang taon naming pagsasama. Paminsan-0minsan may mga kaunting tampuhan pero hindi namin tinatapos ang araw na hindi namin iyon inaayos.

It was a big challenge to marry the most known casanova in town. Akala nga ng lahat hindi kami magtatagal, pero tingnan mo naman kung gaano kami kasaya ngayon. Simula din ng ikasal kami ni Russel ay naging maganda na ulit ang pakikitungo sa akin ng daddy ko. Madalas nga niya akong dalawin at ayon tuwang-tuwa lagi sa apo niya. Kulang na nga lang iuwi na niya ang anak ko.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon