Chapter 39 - Worth one more try
Marahan niya akong inihiga sa kaniyang kama habang hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi. Tila isa akong babasaging bagay na kailangang pag-ingatan ng husto ng mga oras na iyon.
Umibabaw siya sa akin ngunit hindi ng buong bigat.
Sa pagkakataong ito, banayad ang kanyang mga labi. Hindi ito tulad ng dati na marahas at mapagparusa. Sumusuyo ito at hindi nanakit. Malakas ang kabog ng aking dibdib hindi dahil sa takot. Tumitibok ito ng mabilis dahil sa pananabik.
Matapos ang nakalulunod na halik ay tinitigan niya ng maigi ang aking mukha.
"You've never change mahal mahal. Kagaya pa rin ng dati ang iyong mga labi. Malambot at napakasarap. I miss you Hilary. I missed you so damn much."
Sabi niya sa tila paos na boses.
"Alam mo ba'ng nagbabago ang mga tao sa paglipas ng panahon?"
Mukhang nalito siya sa sinabi ko. Itinaas niya lamang ang kaniyang palad at hinaplos ang pisnge ko. Pumikit din siya, ngunit sandali lang at muli ring dumilat.
And there, sa mga mata nito ay naroon ang samu't-saring emosyon.
"Iba na ang Hilary na kaharap mo ngayon. Kung nakabuti man o nakasama ay hindi ko alam. Pero sa lahat ng nagbago, may isang naiwan, natira."
Hindi pa rin siya nagsalita at inantay lang ang sunod kung sasabihin.
"Nagbago ang lahat pero hindi ang pagmamahal ko sa'yo."
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mukha.
Maya-maya lang ay napansin kong gumalaw ang adams apple niya. Indikasyon na may nais siyang sabihin ngunit nahihirapan siyang gawin. Nakatingin lang siya sa akin na tila ba tinitimbang ang kasiguraduhan sa mga sasabihin.
"Give me another chance Hilary. Let's try it again."
Hindi ako nakaumang dahil sa sinabi niya. Para akong napipi at hindi nagawang makapagsalita.
"Hindi mo kailangang sagutin iyan ngayon. May ilang araw ka pa para pag-isipan iyan. Pero sa ngayon hayaan mo ako, hayaan mo lang ako. Bigyan mo ako ng chance, pagkatapos saka ka magpasiya. Pangako, ano man ang maging pasiya mo sa huli ay tatanggapin ko. Kahit masakit, kahit ikamatay ko."
Muli niya akong ginawaran ng mabilis na halik, saka siya bumulong.
"Gagawin ko ang lahat..lahat para ma-realize mo na, we are worth one more try."
Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay muli niyang sinakop ang aking mga labi.
Dahil sa antisipasyon sa mga susunod na pangyayari ay hindi ko na namalayan kung paano niya natanggal ang mga damit na nakatabing sa akin, maging sa kaniya mismo. Hindi ko iyon naramdaman sapagkat magaan ang kaniyang naging pagkilos, hindi tulad noon na bara-bara at walang pakialam.
Makapigil hininga ang ginagawa niyang pagsamba sa buo kong katawan. Marahang naglalakbay ang kaniyang mga palad sa iba't ibang parte ng kabuuan ko at mas nagtatagal ang mga ito sa maseselan kong bahagi. Tila ba kinakabisa niya ang buong detalye ng pagkatao ko.
Pawang hinahabol namin ang aming hininga ng itinigil namin ang nakakapang-init na halik. Matapos noon ay bumaba ang kaniyang mga labi patungo sa aking leeg, pababa sa aking mapipintog na bundok.
"Uhmmm. B-Briner."
Hindi ko mapigilang hindi mapaungol sa ginagawa niyang paglalaro ng dila doon at marahang pagkagat-kagat sa aking utong.
Napaliyad ako nang masuyo niyang dakmain ang aking pagkababae. Maingat siyang pumipisil-pisil doon habang patuloy pa rin ang pagmamaniobra niya sa aking umbok.
BINABASA MO ANG
Hilary Joyce
Fiction généraleSebastian Briner Saavedra hate the word 'love'. After series of failed relationship, he surrendered and became cold hearted. Not until he came back to his apartment and found a gorgeous possess goddess. She is the most stunning and alluring woman h...
