Chapter 23 - The end

598 18 0
                                        

Chapter 23 - The end

Hilary

"Inumin mo, bilisan mo!"

Ininom ko naman agad ang gamot na inabot niya sa'kin.

Ika-anim na linggo niya na akong ikinukulong at pinahihirapan dito sa condo niya. Gaya ng dati, katatapos niya lang akong galawin at kasalukuyan niya na naman akong pinaiinom ng contraceptive pills. Palagi niya iyong ginagawa para lang masigurong hindi siya magkakaka-anak sa'kin.

"You don't deserve to carry my baby."

May diin niyang sabi habang sinisimulan ng magbihis.

Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at bigla ko na lang hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Nasa kama pa kasi siya at nagsusuot ng kaniyang pantalon kaya naaabot ko pa siya kahit nakakadena ako.

"B-Briner..p-please kausapin mo ko.."

Pagmamakaawa ko sa kaniya. Alam kong mabibigo ako pero gusto kong subukan.

Marahas niyang tinanggal ang pagkakakapit ko sa kaniya saka ako sinakal.

Wala akong magawa kundi hawakan lang ang mga kamay niya habang ginagawa niya iyon. Hinang-hina na ang katawan ko at wala na akong kahit katiting na lakas para ipagtanggol pa ang sarili ko.

"You wanna play game huh! Okay..I'll give you that fucking game!"

Saka niya lang ako pinakawalan. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto habang ako ay patuloy pa rin sa paghabol ng aking hininga.

Akala ko roon na naman matatapos ang lahat ngunit bumalik siya at ibinato sa mukha ko ang mga larawang dala niya.

Kahit nanghihina ay sinikap kong tingnan ang mga larawan.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ito isa-isa.

Bakit ba hindi ko naisip na puwede itong mangyari, na puwede niyang malaman ang tungkol dito.

Ngayon malinaw na sa'kin kung bakit niya ginagawa lahat ng ito sa'kin. Kung bakit tila ba napuno siya ng galit at panibugho. Wala na akong magagawa. Kailangan ko ng sabihin sa kaniya ang lahat.

"B-Briner...h-hindi ako iyan. S-si J-Joyce ang mga nasa l-larawang iyan. M-May kakambal ako Briner. M-Magkakambal kami."

Umigkis ang isang kamay niya sa mukha ko. Sa sobrang lakas noon ay sumadsad ako sa kama kung saan ako naroroon. Nakaramdam ako ng hilo dahil sa lakas ng ginawa niyang sampal. Tila isa itong bakal sa tigas at bigat. Pumutok ang gilid ng labi ko at nakikita ko mismo ang pag-agos ng dugo mula roon patungo sa kama kung saan ako nakalupasay.

"You expect me to believe your story? Fuck you bitch!"

Iyon lang ang narinig ko sa kaniya bago siya tuluyang lumabas ng silid at bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

Sebastian

I almost break her neck ng magtangka siyang kausapin ako. She still playing her pathetic acting innocent game. Akala niya siguro madadala pa ako sa mga ganoong arte niya. Manigas siya!

Sa sobrang inis ko ay kinuha ko lahat ng mga larawan nila ni Jim at ibinato ko ang mga ito sa pagmumukha niya. Nagkunwari naman siyang nagulat ng makita ang mga ito. Nice act!

"B-Briner...h-hindi ako iyan. S-si J-Joyce ang mga nasa l-larawang iyan. M-May kakambal ako Briner. M-Magkakambal kami."

Tuluyang nag-igting ang panga ko sa sinabi niya kayang walang pagdadalawang-isip ko siyang sinampal. Sa sobrang lakas noon ay humampas ang katawan niya sa kama at pumutok ang pagitan ng kaniyang labi.

Hilary JoyceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon