THEA
Kinabukasan, sa eskwelahan, maaga siyang pumasok. Palagi naman. Early bird ang tawag sa kanya minsan. Thirty minutes before their class, nasa school na siya o kahit na anong activity o lakad, nasa tagpuan na siya. Ayaw na ayaw niya ng nalelate.
“you can run. you can hide for a short time, my babebibobu. but i will find you.”
Text muli ng unknown number na tumawag at nagtext sa kanya kahapon. Hindi niya alam kung ano bang nagawa niya at parang ang laki talaga ng kasalanan niya sa taong ito. Pero gaya ulit kahapon, binalewala niya ito. Wala naman siyang mapapala kung papatulan niya o magpapadala siya sa pagbabanta nito.
Mayroong i will find you sa text nito kaya alam niyang hindi talaga siya nito kilala. Siguro, pinagtritripan lang siya. Magsasawa rin ito kung hindi niya ito papansinin. Kapag nag-sink in sa utak nito na wala itong mahihita sa kanya. Nilibang nalang niya ang sarili sa pakikinig sa music habang naghihintay ng kaklase. Maya-maya pa ay dumating na nga ang ibang mga kaklase niya pati ng kaibigan niya.
“Thea, nagtext na ba siya sayo?” bungad ni Katelyn pagkaupo nito sa tabi niya.
“Ha? Sino?”
“Si John.”
“John who?”
“Seriously Thea? Ganyan ka na ba ka-bitter slash manhater para kalimutan agad yung kahapon?” pinandilatan siya nito.
“Diretsuhin mo na nga lang ako kundi babatukan kita diyan.”
“Meron ka ngayon?” pambabalewala nito sa pagsusungit-sungitan niya.
“Tumahimik ka na lang kung hindi mo rin lang sasabihin. Baka may hangover ka pa at hindi mo alam ang pinagsasabi mo.”
“Sobra ka. Hindi naman kami uminom kagabi masyado. Anyway, back to the topic. Si Earl, yung na-plug kahapon na kinuha ko ang number.”
“O tapos, ano meron sa kanya?” walang ganang tanong niya
“Sizzling hot te! Haha.”
BINABASA MO ANG
CHANCE
Novela JuvenilTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.