THEA
“Perfect couple.” yan yung sinasabi sa kanilang dalawa sa loob ng tatlong linggong relasyon nila. Maliban sa kuya niya na hindi pabor sa naging desisyon niyang pagsagot kay Earl. Hindi daw tama ang desisyon niya. Na sasaktan lang daw siya nitong muli. Hindi rin nito itinago ang pagkaayaw nito kay Earl kapag dumadalaw ito o kaya kapag sinusundo siya at inihahatid pauwi. Sabi naman ng ate niya, baka tantrums lang iyon ng kuya niya dahil siguro pakiramdam nito, inagaw siya ni Earl. Minsan na lang kasi siya naihahatid ng kuya niya sa school nila.
Pero limang araw na ang lumipas, walang Earl na nagpakita at nagparamdam, walang tawag o text. Hindi niya alam kung anong nangyari dito. Pinuntahan na rin niya ito sa bahay na inuupahan nito pero sarado ito. Nahihiya naman siyang magpunta sa bahay nila dahil baka isipin na masyado siyang desperada. Nag-aalala na siya baka kung napaano na ito. Tinetext niya pero hindi nagre-reply, tinatawagan pero hindi sinasagot. Kadalasan, cannot be reach. Nindi na niya alam ang gagawin niya.
“Iyan ang sinasabi ko, Thea. Sana hindi ka nagpadalos-dalos sa desisyon mo.” sermon ng kuya niya.
“Please kuya. Huwag naman ngayon.” pagmamakaawa niya. Hindi niya kayang makinig sa sermon ngayon. Ang gusto lang niyang malaman ay kung bakit walang paramdam si Earl ng limang araw. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari dito. Iniwan nalang niya ang kuya niya sa sala at umakyat sa kwarto niya.
“Please. Sagutin mo.” pakiusap niya nang mag-ring ang phone nito. Ring lang ito ng ring. Hindi nito sinasagot hanggang sa machine na naman ang sumagot.
“Ano na bang nangyayari sayo?” tanong niya dito kahit wala naman ito sa harap niya. Nag-vibrate ang phone niya. Tinignan niya agad iyon. Isang unknown number ang nagtext, hindi iyon pamilyar sa kanya.
“ano yan, nag-zipline kayo tapos bigla ka nalang iiwan sa ere?
Itext mo yan kay Earl! Wala siyang kwenta. Walang kwenta pagkalalake niya.”Nangunot ang noo niya sa text nito. Hindi niya alam kung ano ang mag-udyok sa kanya para i-send kay Earl. After three minutes, nagreply ito.
“K.” tanging reply nito.
“Nakaramdam ka rin pala.” tinext niya ulit ito. Pero wala na siyang natanggap pang kahit anong reply mula dito. Pagkalipas ng tatlong oras, tinext niya muli ito.
“I'm breaking up with you. Bye”sinend na niya iyon. Bahala na. Mas mabuti na siguro ang ganito kaysa magmukha na naman siyang tanga kakahabol dito. Pero nagmumukha pa rin siyang tanga kakahintay sa magiging reaksiyon nito sa huling text niya. Sa tuwing may magtetext, excited siyang tignan iyon at nagbabakasakaling magrereply ito. Pero sa lahat ng nagtext sa kanya buong maghapon, wala na siyang natanggap na text mula dito. Napabuntong-hininga nalang siya.
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.