THEA
Nagising siya sa mabangong paligid, parang amoy ng mga rosas. Is she in heaven? Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at inilibot ang paningin. She's still in her room, but what's with the fragnance she's smelling? Napansin niya ang nagkalat na petals ng roses sa kama niya. Okay, is she dead? Napailing nalang siya. Bumaba na siya sa kama at nakita niya ulit ang mga nagkalat na petals sa sahig. Napansin niya ang isang bouquet of flowers sa maliit na mesa sa kwarto niya. Lumapit siya dito at kinuha iyon. May nakita siyang isang maliit na card.
Hey babebibobu ko, good morning! Eat your breakfast, okay? See you at school, future. I love you, babebibobu ko.
-your Earl
"Ang hilig sa babebibobu, parang kinder lang. Baliw talaga to." kausap niya sa bulaklak. Naghanda nalang siya for school. She did her usual routine that morning bago bumaba for breakfast. Pero paglabas niya ng kwarto niya, may petals pa rin sa sahig, pati sa hagdan at sa hula niya, hanggang sa kusina. Hindi niya tuloy alam kung kikiligin o kikilabutan sa nakikita. Bumaba nalang siya, at gaya nga ng inaasahan niya, hanggang kusina nga patungo sa pwesto niya sa mesa.
"Anong meron?" tanong niya agad sa mga kapamilya niya na nadatnan sa kusina.
"Wala." sabay-sabay na sagot nila. Nilapitan niya ang kuya niya.
"Kuya." paglalambing niya.
"Tss." tanging sabi nito.
"Ano ba kasing meron?" inosenteng tanong niya.
"Kumain ka na nga at baka mainip pa ang loverboy mo!" naiinis na sagot ng kuya niya at iniwan na sila nito. Nagtataka siyang tumingin sa ate at sa mga magulang niya.
"Nagtatampo lang iyon dahil sa isang iglap, dalaga na ang bunso namin." sagot naman ng ate niya.
"Pinagsasabi mo, te? Bata pa ako no." sabi naman niya at inirapan ito.
"May bata bang nililigawan na?" singit naman ng kanyang papa. Nag-pout nalang siya at kumain para hindi na tumagal pa ang usapan. Baka kasi ma-late pa siya sa first period niya.
"Kuya, tara na!" tawag niya dito. Nasa taas ulit kasi ito at siya naman nasa baba. Hindi nagtagal, bumaba na rin ito.
"Haggard mo kuya! Paano ka magugustuhan ni Kate niyan?" pambabara niya.
"Sige, laitin mo pa ako para hindi kita ihatid." blackmail nito. Ngumisi lang siya.
"Kaya mong tiisin ang baby sisiter mo kuya?" hamon naman niya.
"Doon ka sa babebibobu mo magpahatid." maktol nito.
"Kuya naman eh! Tigilan mo na nga yan, mas love kita, okay? Tss. Tara na." sabi niya at hinila na ito. Lagi siyang inihahatid ng kuya niya sa umaga pero hindi na siya nito nasusundo sa hapon dahil magkaiba sila ng schedule kung anong oras matatapos ang klase.
"Bye kuya. Ingat. I love you." paalam niya ng nasa tapat na sila sa university.
"I love you too, sis. You take care, okay? I still don't trust that babebibobu of yours." warning nito.
"Kuya! Hindi ko siya babebibobu, okay? Tss."
"Oo na. Pasok ka na." pagtataboy kuno nito. She kissed his cheek bago siya tuluyang pumasok sa loob, na nakangiti. Her brother was, is and will always be protective, especially when it comes to her. She knows he loves her so dearly and so she is. She's so lucky to have the best brother on Earth.
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.