chapter 17

273 20 0
                                    

THEA

Kasalukuyan siyang nasa kusina dahil nag-aaral siyang mag-bake ng cookies. Sa mama niya sana siya magpapaturo pero wala naman ito dahil nagpunta sa kumare nito sa kabilang bayan, kaya umaasa nalang siya sa tulong ng internet. She just hope na makuha niya ng tama yung timpla ng cookie.

"Anong nakain mo at nagpapasabog ka ngayon sa kusina?" tanong ng kuya niya ng madatnan siya nito sa kusina.

"Masama bang pag-aralan magluto?"

"Haha. Hindi naman, pero sa pagkakatanda ko, you're never into cooking."

"People change. Haha." pabiro niyang sagot habang patuloy pa rin siya sa pagmi-mix ng mga ingredients.

"They do. So, may gusto ka bang sabihin sa akin?" pasimpleng tanong nito habang kumukuha ng makakain sa ref. Nagtatakang tumingin siya sa kuya niya.

"Wala naman kuya. Bakit, may dapat ba akong sabihin?"

"Ewan ko sayo. Ikaw, may itinatago k aba?" pagkibit balikat nito.

"Wala naman po akong itinatago. Alam mo naman po yung kay Earl, so wala akong tinatago." nakangiti niyang sabi. Tumingin lang ito sa kanya, hindi niya mabasa ang expression sa mukha ng kuya niya kung galit ito o hindi.

"How about sa taong nagtetext at nananakot sayo?" tanong nito. Natigilan siya sa tanong ng kuya niya. Paano nito nalaman ang tungkol doon? Nagtatakang tumingin siya sa kuya niya pero blanko pa rin ang expression sa mukha nitong nakatingin sa kanya.

"Paano mo nalaman kuya?"

"So, meron nga." pagkumpirma nito sa tanong nito kanina. Tumango nalang siya.

"Kailan pa, Thea? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Akala ko ba walang lihiman? Ano pa ang mga hindi mo sinasabi sa akin?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Halata na may sama ito ng loob sa kanya dahil sa paglilihim niya. Hindi naman niya ginustong maglihim sa kuya niya.

"Mahigit isang buwan na po. Sorry kuya. Ayoko lang naman na mag-worry ka pa sa akin kasi nantritrip lang naman iyon eh. Pati hindi ko yun kilala." pag-explain niya at nilapitan ang kuya niya para yakapin pero umiwas ito.

"Mahigit isang buwan pero hindi ka pa tinitigilan! Trip lang ba iyon? Thea naman! Buhay mo na angpinagbabantaan ng gagong iyon pero hindi mo pa rin ipanapaalam sa akin!" galit na sigaw ng kuya niya sa kanya. Naiintindihan naman niya kung bakit ito galit sa kanya kaya hindi na siya sumagot pa sa kuya niya. Alam niyang concern lang ito sa kanya.

"Sino ang nakakaalam tungkol dito?"

"Wala po. Ako lang, pero nakakatext niya si Kate noon. Mabait naman yank ay Kate pero hindi ko alam kung bakit ganun yung mga text niya sa akin." pag-amin niya. Huli na noong mapagtanto niya na nasabi niya ang tungkol sa pakikipagtext ni Kate sa John na iyon. Baka mas lalong mag-alburuto ang kuya niya dahil doon.

"Ano?! Pati si Kate!?" galit pa rin na tanong ng kuya niya.

"Opo. Pero gaya nga ng sabi ko, mabait siya kay Kate, kaya nga hindi ko na sinabi sayo kasi nga baka pinagtritripan lang niya ako kasi nga mabait naman siya kay Kate. Kaya chill ka lang kuya." pagpapakalma niya dito. Hindi muna ito umimik at parang nag-iisip kung ano ang gagawin. Maya-maya pa ay inilabas na nito ang cellphone at parang may idina-dial.

"Hindi pa tayo tapos." banta nito sa kanya bago umalis ng kusina. Kung tama ang narinig niya ng makalabas ito sa kusina, si Kate ang tinawagan nito. Hindi siya mapakali dahil madadamay pa si Kate sa init ng ulo ng kuya niya at baka ito pa ang mapagbuntunan nito ng galit.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon