KATELYN
Ilang araw na rin ang nakakaraan mula ng magpakitang muli si Earl kasama ang pinsan nito. Parang walang klase lang ang mga ito dahil palaging nakabuntot kay Thea, eh kahit saang lupalop naman ng mundo, pasukan ngayon. Well that's life, parang buhay. Si Knight, napaghahalataan ding interesado kay Veah, idinadahilan lang ang pinsan para makausap ito, dinamay pa siya para hindi masyadong obvious ang obvious na.
Tapos sina Earl at Thea, sweet na hindi. Sweet nila tignan kahit na laging parang aso at pusa. May pa-babebibobu at future pa si Earl, pero itong si Thea, umiiral ang kasupladahan at pagiging mainisin na ikinatutuwa naman ng isa. Minsan naman, para silang magpapatayan kaya hindi mo maiiwasang i-ready ang cellphone mo para i-dial ang number sa pinakamalapit na hospital para sa agad na may rumespondeng ambulance just in case tuluyan silang mag-rambulan.
"Hoy mga bakla, ano pang tinutunganga niyo diyan? Tara na. Gutom na ako." yaya sa kanila ni Thea. Umiiral na naman ang katakawan.
"Eto na po. Excited ka naman masyado sa pagkain." sabi niya at natatawang nag-ayos ng mga gamit niya.
"Hoy Neveah!" tawag na naman ni Thea kay Neveah. Wala kasi itong kakilos-kilos. Mas binabagalan kasi nila ang kilos nila tuwing umaatake ang katakawan ng kaibigan. Ansaya mang-trip eh.
"Eto na nga oh. Batukan kita diyan eh." sabi naman ni Neveah pero inayos na rin ang gamit nito at tumayo na. Nagsimula na silang naglakad papuntang kainan.
"Kay bagal-bagal kumilos oh. Gutom na ako eh." reklamo ni Thea kaya naman binatukan nalang niya ito. Nag-pout naman ito.
"Hindi mo bagay. Kay Earl ka nalang magpasama." pambabara naman niya.
"Ang sama mo. Neveah oh." kunway sumbong nito kay Neveah pero binalewala lang siya nito.
"Tumahimik nga kayo at kumain na lang kayo." saway naman ni Neveah kaya tumahimik na lang sila pareho. Ganito naman sila palagi kapag magkakasama sila eh. Silang dalawa ni Thea, baliw tapos si Neveah, tahimik at seryoso kaya minsan dinadamay namin hanggang sa pagtulungan namin pareho si Thea.
"Earth to Katelyn." si Thea. Inirapan nalang niya ito.
"Wala kang planong sagutin ang tawag at text ni kuya?" tanong ulit nito dahilan para tignan niya ang cellphone niya. Tumatawag nga si Reece.
"Hello?"
"Hi. Busy ka?"
"Hindi naman. Kumakain lang kami. Bakit?"
"I miss you."sabi nito dahilan para mamula siya.
"Yiieh." kantyaw nina Thea at Neveah. Inirapan lang niya ulit ang mga ito.
"Tumigil ka nga." sita niya.
"Date tayo after class niyo." pag-aya nito.
"Heh! Ayoko."
"I'm not asking for your permission. I'll pick you up at 5."
"Pero may klas---."
"If you're looking for an excuse, stop it. Alam ko kung ano ang schedule mo, tinanong ko kay Thea."

BINABASA MO ANG
CHANCE
Подростковая литератураTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.