chapter 1

1.1K 46 26
                                    

THEA

"Thea, Lega tayo mamayang gabi." yaya ng kaibigan  niyang si Katelyn.

"Kayo nalang."

 "KJ mo talaga. Paano ka magkaka-lovelife kung ayaw mong sumama sa amin?" panenermon nito sa kanya.

 Hindi nalang siya umimik kaysa humaba pa ang usapan. Matagal na siyang niyayaya ng mga ito na sumama sa Lega, short for Legacy Bar pero lagi siyang tumatanggi. Nasa tamang edad na kasi sila kaya nakakapasok na sila sa mga ganoong lugar. Ano naman kasi ang gagawin niya doon, tutunganga? Hindi siya katulad ng mga kaibigan niya na single and ready to mingle. Wala siyang panahon sa mga lalake, masasayang lang ang oras niya kung pagtutuunan niya ng pansin ang mga ito.

"Bakit ba kasi ang bitter mo? Siguro hindi totoong NBSB ka no? Siguro nagka-boyfriend ka na noon at minahal mo siya ng lubusan pero sinaktan ka at iniwanan. Ipinagpalit sa iba." saad ulit ni Katelyn.

Hindi naman siya bitter, sadyang ayaw lang niya sa mga lalake. At lalong hindi pa siya nagka-boyfriend sa edad na eighteen. Sa paningin kasi niya, pare-pareho lang ang mga lalake, sa una makikipagkaibigan, manliligaw kuno at akala mo kung sinong santo na napakabait at tapat ang pagmamahal sayo, pero kapag nakuha na ang gusto, iiwan ka na parang basahan.

Ganyan sila. Iisa lang kasi ang gusto nila sa mga babae. Pare-pareho lang naman silang mga lalake, maliban syempre sa mga kapamilya niya, kaya pare-pareho din ang ikot ng bituka nila. Pati sa mga kaklase niyang lalake, hindi siya nagtitiwala sa mga ito. Ni hindi nga siya nakikipag-usap kung hindi school matters.

"Sige na uuwi na ako. Wala naman na tayong klase e. Bye." paalam niya sa mga ito.

"Agad-agad?"

"Oo." tipid at desidido niyang sagot para hindi na mangulit pa ang kaibigan niya.

Ganito talaga ang routine niya, bahay, eskwelahan, bahay ulit. Sumasama lang siya sa paglalakwatsa ng mga ito kung sa tingin niya kailangan na niya talagang mag-unwind. Well, she can unwind kahit na nasa bahay lang nila siya, marami siyang ibang pinagkakaabalahan kapag nasa bahay siya. Pero iba rin kung paminsan-minsan, nasa labas siya ng bahay.

Nag-vibrate yung cellphone niya. Tinignan niya kung sino ang nagtext.

1 message received:

From: chandrea

[PLUG!!] 

John (09260123654) 

- gwapo at naghahanap ng gf.

text him girls ;)

Napailing nalang siya sa gm nito. Si Chandrea ay nakilala niya sa cyberworld, isang character sa wattpad story. Uso na kasi yan ngayon, pero kahit ganoon, kokonti lang ang mga naka-phonebook na number ng mga lalake. Hindi rin siya nakikipagtext sa mga ito kahit na lagi silang nagtetext.

"Oy ano yan?" tanong ni Katelyn habang naka-tingin sa screen ng phone niya.

"Text malamang. Binasa mo na nga di ba." pamimilosospo niya.

"Yeah whatever. Pero, uy te gwapo daw o. Sunggaban mo na." susug nito.

"Hindi ko kailangan. Sayo na kung gusto mo."

"Ay game ako diyan te. Akin yung number. Itetext ko talaga. Hihihi." sabi nito at kinuha nga ang number. Maya-maya pa ay nakipag-text na ito sa John na yun. Napailing nalang siya. Hindi na siya magtataka kung bukas e magboyfriend/girlfriend na sila. Kilala niya si Katelyn, game na game sa mga ganyang bagay pero hindi daw nagseseryoso.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon