chapter 13

311 23 1
                                    

 THEA

Nakahiga lang siya sa kama niya habang nag-iisip kung ano ang gagawin niya. Wala naman kasi silang lakad nina Veah at Kate kaya nandito lang siya sa bahay nila ngayon. Gusto niyang mag-aral mag-bake pero tinatamad pa siyang lumabas ng kwarto niya. Sinipag siyang maging tamad ngayong araw na ito, pero ayos lang kasi sabado naman. Naagaw ng atensyon niya ng nagvibrate yung cellphone niya kasi may nagtext, pero hindi na niya iyon nabasa dahil sa katok mula sa pintuan ng kwarto niya bago bumukas iyon at pumasok ang ate niya.

"May bisita ka, Thea." sabi nito.

"Po? Sino?" takang tanong niya. Wala naman kasing pasabi sina Veah at Kate na pupunta sila sa bahay nila. Maliban nalang kung biglang nagbago ang isip ng mga ito. Pero hindi naman kailangang akyatin pa siya ng ate niya kung sakaling sina Veah man ang bisita niya dahil paniguradong sila mismo ang papasok sa kwarto niya.

"Hindi ko kilala. Dalian mo na, nasa sala siya kausap sina mama at papa. Pati si Reece." seryosong sabi ng ate niya kaya naman nagtataka siyang napabangon at naglakad na palabas ng kwarto niya. Nang nasa tapat siya ng ate niya, kinurot siya ng ate niya sa kanyang tagiliran.

"Hala ate?" takang tanong niya.

"Ikaw ha, manhater pala pero ang hot ng nabingwit mo." nakangiting sabi nito.

"Pinagsasabi mo te?" tinaasan niya ito ng kilay.

"Ayheytchu bunso! Hindi ka nagkwekwento kay ate ha." kunway tampo na sabi nito na ikinatawa niya.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo ate, at wala akong dapat ikwento dahil wala naman akong tinatago." naiiling na sabi niya.

"Ay basta! Girls talk tayo later. Baba na tayo dahil baka mainip ang boylet mo. Hihi." bungisngis nito at hinila na siya pababa. Nagtataka man, sumunod na rin siya. Hindi rin naman siya makaka-atras dahil reyna ng hila ang kanyang ate.

"Oh, nandito na pala siya eh." sabi ng papa niya ng mapansin sila nito. Tumayo naman agad yung lalakeng nakatalikod sa kanya at humarap.

"Ikaw?!" sigaw niya agad sa pagkagulat sa pagkakakita dito. Kung nasa hagdan palang sila nang humarap ito, malamang dumausdus siya pababa sa pagkagulat. Pinandilatan naman siya ng mga kapamilya niya dahil sa biglaang pagsigaw niya. Nag-peace sign siya sa mga ito pero sinamaan ng tingin si Earl!

"Umupo ka dito, Thea." sabi ng papa nila at itinuro sa tabi ni Earl. Nakita niyang masama ang aura ng kuya niya.

"Kay kuya ako tatabi, pa." sabi niya kahit pa masama na ang tingin sa kanya ng kuya niya. Malamang galit ito dahi nalaman nitong nagsinungaling siya dito dahil pinakilala niyang bakla si Earl.

"Ah  eh, ano po bang meron?" tanong niya kahit na medyo may ideya na siya kung ano ang nangyayari.

"Anak, hindi ka naman namin pagbabawalan kung makipag-boyfriend ka, pero bakit mo naman nilihim sa amin yun?" mahinahong sabi ng mama niya.

"Po?" tanong niya with matching wide eyes.

"Kung hindi pa naglakas loob na magpunta dito ang nobyo mo, hindi pa namin malalaman na may boyfriend ka na." ang papa niya.

"Ano? Pa, wala akong boyfriend. Sino ba ang nagsabi sa inyo na may boyfriend ako ng maupakan ko? Tsaka sino daw ang boyfriend ko, aber?" naiinis na tanong niya sa ama. Tumingin  naman lahat kay Earl kaya na-gets na niya ang ibig nilang sabihin. Sinamaan niya ito ng tingin, napakamot lang ito ng ulo.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon