THEA
Pagkasakay niya sa bus, umupo siya agad sa pinakamalapit na upuan na nakita niyang bakante. Wala na siyang pakialam kahit pa umiiyak siya at pinagtitinginan siya ng mga nakasakay. Tuwing pipikit siya, naaalala niya ang mga narinig niya kanina sa kwarto ni Earl, at hindi niya maiwasang hindi mapaluha. Nagtaka siya ng may mag-abot ng panyo sa kanya. Liningon niya ito. Ngumiti naman ito sa kanya.
“Hindi dapat pinapaiyak ang tulad mo.” nakangiting sabi nito at kusang pinunasan ang luha niya dahil hindi niya tinanggap agad ang alok nitong panyo.
“S-salamat. Ako nalang.” nahihiyang sabi niya at kinuha ang panyo dito.
“Welcome. So, care to share why you're crying, my lady?” nakangiti ulit na tanong nito. Huminga siya ng malalim. Tama ba na i-share pa niya? Hindi naman niya ito kilala.
“I'm Harry. Harry Potter. Hahaha. No, just kidding. but seriously, I'm Harry but not Harry Potter.” jolly na pakilala nito. Nahawa na rin siya.
“That's my girl. Dapat ang tulad mo, laging nakangiti at tumatawa.”
“Baka naman pagkamalan akong baliw niyan?” natatawang sabi niya at tumawa lang din ito. Magaan agad ang pakiramdam niya dito.
“I'm Thea.” pakilala naman niya.
“Nice meeting you. Harry, for the second time. Haha.” sabi naman nito at nakipag-shake hands sa kanya. Nanahimik na sila pareho pagkatapos. Ipinasya na lang niyang tumingin sa labas.
“Give him another chance.” si Harry
“Huh?” takang sabi niya dito.
“Di ba umiiyak ka dahil sa pag-ibig? If you really love each other, give him another chance. Siguro, may rason siya kaya niya nagawa ang bagay na ginawa niya dahilan ng pag-iyak mo, dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.”
“Hindi mo naman alam ang nangyari.” mapaklang sabi niya dito.
“Siguro nga hindi ko alam, pero based on experience na din. I was so blind before. Hindi ko binigyan ng another chance ang babaeng mahal na mahal ko, hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makapag-explain. Sobrang nabulag ako ng galit sa kanya. Ngayon, wala na siya sa akin. Pinagtabuyan ko siya. Ngayon, hindi ako masaya. Siguro, sasabihin ng iba na masyado pang bata ang edad na twenty four, pero wala namang age limit ang pag-ibig. Minsan lang dumating si true love o kaya soulmate, other half o kung anumang tawag natin sa nag-iisang ibinigay Niya na makakatuwang natin sa buhay, pero pinakawalan ko siya. Kung ako ikaw, give him another chance. Bigyan mo ang sarili mo, niyo, ng pagkakataong maging masaya.” emosyonal na sabi nito. Nakatingin lang siya dito. It's very unusual para kanya ang mga lalakeng nag-oopen up. At isa pa, hindi naman sila magkakilala ng lubos. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Ngumiti nalang din siya dito.
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.