chapter 24

206 17 1
                                    

THEA

Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa si Earl. Sapat na yung mga narinig at nalaman niya para umalis. Mugto na ang mga mata niya ng makarating siya sa bahay nila. Maaga pa lang kaya gising pa ang mga kasama niya.

“Ang aga namang natapos?” bungad sa kanya ng kuya niya sa pintuan. Napayuko naman siya.

“Kakasimula palang po pero bigla po kasing sumama ang loob ko. Pasok na ako sa kwarto ko.” nakayuko pa rin na sabi niya at linagpasan na ang kuya niya. SUmunod pa rin ito sa kanya.

“Nasaan si Earl? Teka nga, umiiyak ka ba?”

“Nakauwi na po. Hindi ko na pinapasok. Masakit po ang ulo ko, gusto ko ng matulog kuya.” pag-iwas niya at tuluyan ng umakyat sa kwarto niya at ni-lock iyon. Ayaw niya muang pag-usapan kung bakit siya nagkakaganito.

Dumapa nalang siya sa kama niya habang hinahayaan ang sarili na iiyak nalang ang lahat ng sakit na nararamdaman niya pero hininaan lang niya ang pag-iyak dahil baka magising sina Veah at Kate sa tabi niya. Kaya niyang palampasin ang announcement ng grace na iyon, handa siyang makinig sa explanation ni Earl, pero ang malaman niya na ito rin pala ang nagtetext sa kanya at nanankot habang umaakto ito na parang napakabait ang hindi niya matanggap. Pinagmukha siya nitong tanga. Siguro lagi siya nitong pinagtatawanan dahil napaniwala siya sa mga sinasabi nito.

Ang sakit-sakit. Simula pa lang pala, tama na ang hinala niya na niloloko lang siya nito. Tama ang hinala niya na sa huli, siya din ang maiiwan at masasaktan. Pero hinayaan niya ang sariling magpaloko at mahulog dito. Hindi niya alam kung anong gagawin. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. She was about to tell him na natutunan na niya itong mahalin pero naputol ang dapat niyang sasabihin ng agawin ni Grace ang atensyon nilang lahat. Pero mas mabuti na rin siguro yun, para hindi siya mas magmukhang tanga sa harapan nito. But how could he do this to her?

Nakatulugan na niya ang pag-iyak at sakit na nararamdaman. Naalimpungatan lang siya ng maramdaman niyang nagva-vibrate ang cellphone niya at may tumatawag na unknown number. Masakit man sa mata, pinilit niyang tignan ng mabuti ang oras at sagutin ang tawag. Alas singko palang ng madaling araw. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaba.

Hello?

“Uh, h-hello po? Ikaw po ba si... ate Thea?” tanong ng boses batang babae.

Ah eh, sino to?” tanong din niya.

Elijah po. Kapatid po ni kuya E-earl.” magalang na sabi nito. Ibababa n asana niya ang tawag pagkarinig sa pangalan ni Earl pero nahalata niya ang pagpiyok ng boses nito sa kabilang linya na parang umiiyak.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon