EARL
Tanaw niya mula sa building nila ang pagtambay ni Thea kasama ang mga kaibigan niya. Dalawang araw na siyang hindi nagpapakita sa dalaga at parang balewala lang dito nahindi na siya nagpakita pa. Baka naisip nito na natauhan siya at tinigil na ang kalokohan nila ng mga kaibigan niya.
"Ano yan? Sa malayuan nalang kitang mamahalin?" si Knight. Nakatanaw din ito sa grupo ng mga babae. Hindi na niya ito sinagot at bumalik sa kanyang upuan. Napabuntong hininga siya. Hindi pa siya nakakaisip ng ibang paraan para makalapit dito na hindi siya nito sinusungitan o inaaway.
"Guys, wala si daw si sir." anunsyo ng mayor nila sa klase. Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng classroom. Tumungo siya agad sa students' park kung saan nakatambay sina Thea. Isang malaking bahala na kung ano ulit ang kahahantungan ng pagkikita nila.
"Oy Veah, yung pasalubong namin?" narinig niyang tukso ni Thea sa isang babaeng ngayon lang niya nakitang kasama nito.
"Nasa bahay. Nakalimutan kong dalhin eh."
"Ay naku, ulyaning bata." sabi naman nung Kate ata yun. Natawa naman yung tinawag ni Thea na Veah. Saktong nagtama ang tingin nila ni Thea sa mga sandaling iyon. Nginitian niya ito pero inirapan lang siya ulit gaya ng nakagawian nito.
"Tara na, girls." biglang yaya ni Thea sa mga kaibigan.
"Why?" nagtatakang tanong ng dalawang kasama. He took that as a cue and made his entrance.
"Where are you going?" maawtoridad niyang tanong. Bahala na si Batman kung saan na naman patungo to.
"Sino siya?" pabulong na tanong nung Veah kay Kate. Tumikhim naman siya at nagpakilala.
"For the nth time, magpapakilala ako. I'm Earl John Smyhte, from College of Engineering. Baka kasi may nakalimot na naman dyan. Hehe." pasaring niya kay Thea.
"Tss. Wala kaming panahon na makipagdaldalan sayo, may klase pa kami. Ge." pagsusungit na naman ni Thea at nauna ng umalis. Lagi atang inaaway ang nanay nito ang tatay niya noong pinagbubuntis pa siya kaya laging masungit ito sa ibang lalake. Sinundan niya ulit ito at pasimpleng inakbayan.
"I miss you, too. Haha. At sa pagkakaalam ko, mamaya pa ang klase niyo. Bakit ka nagmamadali, babebibobu? Siguro, affected ka sa kagwapuhan ko no?" nakangising sabi niya dito. Binigyan ulit siya ng famous na pamatay tingin nito.
"Hindi mo ako madadaan sa ganyan, future. Umayos ka baka mahalikan kita." pagbabanta niya dito.
"Ano bang kailangan mo!" paasik na tanong ni Thea
"Hmm. Ano nga ba? Ano ba sa tingin mo ang kailangan ko?" pang-iinis naman niya.
"Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag mo akong idamay. Dahil ako, marami akong pinagkakaabalahan. Kaya lubayan mo na ako! Nagsasayang ka lang ng oras mo."
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.