chapter 23

256 17 1
                                    

EARL

Everything is going like as he’d expected. Ramdam na niyang unti-unti na talagang nahuhulog sa kanya ang dalaga. Napangiti na lang siya sa naisip. This is so gay. Gusto na niya ulit makita ang icecreamloves niya pero alam niyang wala pa ito sa university dahil mamayang ten pa ang klase nito. Alas otso y medya palang naman. Inilabas niya ang cellphone niya at tinext ito.

icecreamloves, I miss you. Dalian mong pumasok, gusto na kitang mkita. I love you. Take care, ok? See you @ lunch” Nakangiti siya ng maisend na ito. Ibabalik na sana niya ang phone sa bag dahil alam naman niyang hindi ito magrereply.

Mabilis lumipas ang mga oras at hindi niya namamalayan na lunch time na pala. Nagpunta na agad siya sa cafeteria dahil gustong-gusto na niya talagang makita si Thea. Sumunod na din si Knight sa kanya. Nadatnan na nila ang mga magkakaibigan doon kaya tumabi nalang sila sa kanila.

Problema mo? Para kang nawalan ng isang daang milyon ah. puna sa kanya ni Thea.

“Wala.”

Ows?”

Haha. Umamin na Earl, minsan lang mag-care sayo si Thea, sulitin mo na.” tukso ni Veah na sinang-ayunan naman ni Kate. Napangiti nalang siya.

Ano nga?” pangungulit ni Thea.

Will you miss me when I'm gone?” tanong niya. Wala, yun ang lumabas sa bibig niya kaya bahala na.

Mamamatay ka na?" gulat na tanong nito. Sinamaan niya ito ng tingin.

Haha. Peace.” pa-cute nitong sabi.

Tss. Ano nga, mamimiss mo ako?” pangungulit naman niya.

Ewan ko.” kibit balikat na sagot nito at ibinalik sa pagkain ang atensyon.

“Ano ba yan. Ang sakit ha, para mo na ring sinabi na hindi mo ako mamimiss.” pinalungkot niya pa ang boses para mas maging effective.

Drama mo. Daig mo pa ang babae.”

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon