chapter 33

242 14 1
                                    

THEA

It’s been a week mula noong araw na iyon, yung araw na para siyang naka-drugs at nagpanic sa pagtatanong sa ate niya kung may kakambal siya. Kahit kasi laging sinasabi na mahal siya nito at iparamdam ang pagmamahal nito, hindi pa rin niya maiwasang magduda. It’s not a trust issue, though, well hopefully. Nawala siya sa pagmumuni-muni ng mag-vibrate ang cellphone niya.

“H-hi?” bati niya.

Yow, icecreamloves.”

“Bakit ka tumawag?”

Na-miss lang kita. Haha. masayang sabi nito. Sweet naman si Earl mula simula palang, maliban nalang yung pananakot nito sa kanya. Natutunan na din niyang mahalin ito, bakit nga ba hindi pa niya ito sinasagot eh nakapag-I love you too na siya?

“Natahimik ka na, icecreamloves?”

H-ha? Ah wala lang. May ginagawa lang kasi ako.” pagdadahilan nalang niya.

Ano naman? Iniisip mo ba ako? Haha.”

Hindi ah. Asa ka pa.”

Hindi raw pero kanina ka pa nakatulala.” natatawang sabi nito. Kumunot naman ang noo niya.

Pinagsasabi mo?”

Tss. Kita mo. Ang lalim ng iniisip mo. Hindi mo pa ako napansin.” pagtatampo nito.

Nasaan ka ba?” tanong niya dito. Tumingin siya sa baba dahil nasa terrace siya ng kwarto niya pero wala naman siyang nakita.

Tss. Eleven o'clock, icecreamloves.” sabi nito. Tumingin naman siya ng eleven o'clock na angle at nakita nga niya doon ang nakakubling si Earl.

Ginagawa mo diyan?”

Wala. Pinagmamasdan lang ang aking icecreamloves. Haha.”

Umuwi ka na nga. Gabi na.” sermon niya dito.

Ayaw. Tara, labas tayo. Ipapaalam kita sa pamilya mo.” final na sabi nito at ibinaba na ang tawag. Nagsimula na rin itong maglakad palapit sa bahay nila. Bumaba na rin siya ng nasa tapat na ito ng gate nila. Saktong nasa sala na siya, pumasok na rin ito kasama ang ate niya.

Good evening ho.” bati nito sa mga magulang niya. Ang kuya naman niya, hindi lang ito pinansin pero masama ang tingin. Hindi pa rin kasi nito napapatawad si Earl dahil sa ginawa nito.

Good evening din. Gabi na ah, bakit ka naparito?” tanong ng papa niya.

Oo nga po eh. Haha. Pwede ko po ba kayong makausap, privately?” diretsong sabi nito. Binigyan niya ito ng tingin na huwag ng ituloy kung ano ang balak niya. Pero nginitian lang siya nito. Pumayag naman ang papa niya at umakayat sila sa study room ng papa niya.

Yiieh. Parang may something na plano si boylet ah.” tukso ng ate niya.

Tss. Masasapak ko yun. Ang lakas ng loob na magpunta dito. naiirita namang sabi ng kuya niya. Hindi nalang siya umimik.

May nararamdaman ka na ba sa kanya Thea?” tanong naman ng mama niya.

Po?” gulat niyang tanong. Hindi pa naman kasi siya nag-oopen sa pamilya niya kasi nahihiya siya.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon