THEA
Two weeks na ang nakakaraan pero wala pa ring maalala si Earl tungkol sa kanya kahit na kaunti. Gusto na niyang sumuko. Ang hirap ng sitwasyon nila. Kapag nagtatanong ito ng tungkol sa kanila, wala naman siyang maisagot dahil balewala lang naman ito sa kanya noong una. Two weeks palang pero nawawalan na siya ng pag-asa, paano pa kaya kapag umabot ng ilang buwan? Kaya ayaw niyang umibig eh, nakakatanga!
Pupunta na naman siya sa bahay nila. Nakalabas na ito ng hospital sa three days after nitong magising. Nakakapagod din dahil marami na silang ginagawa sa school pero pagkatapos ng klase, dumidiretso siya kina Earl. Ayaw na sana niyang bumalik dahil nasaktan siya sa huling pag-uusap nila noong nakaraang linggo.
[FLASHBACK]
Nasa garden sila ng bahay nina Earl at nagpapahangin. Nagtatanong-tanong din ito ng tungkol sa kanila.
“Ano yung huling ginawa natin together?” tanong sa kanya ni Earl.
“Noong birthday mo.”
“Saan at paano?” cold na tanong nito.
“Dito sa bahay niyo. Sinundo mo ako. Masaya naman tayo kahit papaano, at gaya nga ng sabi ko pinakilala mo ako sa lahat ng um-attend ng birthday mo. Nagsayaw tayo after nun. Muntik ko ng sabihin sayo noon na… nahulog na ako sayo pero biglang nagsalita si Grace at yun. Yun din yung gabing naaksidente ka dahilo sinundan mo ako. Walk out queen here. Hehe.” nakayukong sabi niya. Nanahimik naman saglit si Earl na para bang nag-iisip. Maya-maya ay umiling ito.
“Wala talaga akong maalala. Tsaka di ba, sabi nila, kapag nagka-amnesia, mararamdaman at mararamdaman mo pa rin sa puso mo na mahalaga ang mga taong nakapaligid sayo kahit hindi mo maalala?” tanong nito sa kanya. Tumango nalang siya kahit wala siyang alam sa ganitong bagay.
“Pero bakit kahit katiting, wala akong maramdamang ganoon sayo? You're like a stranger to me. Stalker ba kita?” diretsong sabi nito at walang pakialam kung masasaktan siya o hindi sa sinabi nito. Ngumiti siya ng malungkot.
“Sorry. I didn't mean to hurt your feelings.” hinging paumahin nito pero parang malayo pa rin ang loob. Ngumiti nalang siya ulit.
“Gusto mong magmeryenda? Magpapahanda ako. Anong gusto mong kainin?” tanong niya na pilit pinasaya ang boses at ibahin ang usapan.

BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.