THEA
Tinalikuran na nga niya ito at umalis. Uuwi na siya dahil wala naman na siyang pupuntahan pa. Tinatamad siyang gumalang mag-isa. At kahit mayroon siyang makakasama, ayaw niyang gumala. Marami siyang iniisip at baka ma-spoil lang niya ang lakad kung sakali.
“Sinong nagsabing pwede mo akong iwan?” tanong sa kanya ni Earl ng nahabol siya nito. Inakbayan ulit siya nito.
“Ako. Tss. May ka-meet pa ako.” pagsisinungaling niya.
“Sino? Lalake mo?” seryosong tanong nito.
“Oo.” sagot nalang niya. Huminto naman ito sa paglakad at pati siya napahinto dahil nga nakaakbay ito sa kanya. Seryosong humarap ito sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
“Sino yan ng masapak ko?” seryosong sabi nito. Binalewala lang niya ito at tinalikuran. Wala siya sa mood makipagtalo dito. Gusto niyang makapag-isip-isip. Hindi na siya galit dito sa pagpapanggap nitong nagka-amnesia ito, pero hindi pa rin matanggap ng sistema niya na niloko siya nito. Oo, bati na sila, nasabi na niya ang nararamdaman niya, pero deep inside, masakit pa rin. Hindi na rin niya maintindihan ang sarili, minsan masaya na siya sa kung anong meron sila ni Earl, pero minsan naiinis siya dito, gaya ngayon.
“Just leave me alone Earl. I need to think! I need space!” seryoso ding sagot niya dito.
“Let's talk. Alam kong marami kang gustong itanong at sabihin sa akin.” mahinahong sabi nito at hinila na siya. Sumakay sila sa taxi at huli na ng mapagtanto niya sa apartment sila papunta. Hindi nalang siya umimik. Hindi naman ito ang unang beses niyang nagputa dito pero pakiramdam niya, ang sagwa pa rin dahil dadalawa lang ulit sila sa loob ng apartment.
“Talk.” utos nito ng makaupo sila sa sofa sa sala. Naiinis man siya siya ag-uutos nito na akala mo kung sino, pinalampas nalang niya muna. Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung paano sisimulan. But it's now or never.
“You’re valid and acceptable reason kung bakit kailangan mo pa akong takutin sa text at tawag! Naging saksi ka kung paano ako maapektuhan sa ginagawa mo and still act as if it’s not you.” pagsisimula niya. Napabuntong hininga naman ito.
“Sorry ‘bout that. Yes, it was me at first, two weeks I guess. I just wanted to try if makukuha kita sa ganun. But after that, tinigil ko na kasi alam kong wala akong mapapala. At nakita ko kung gaano ka natatakot kahit na nasa loob ka ng bahay niyo habang inaabangan kita tuwing nasa bahay ka, so I decided to stop.”

BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.