THEA
Wala ngayon ang magpinsang asungot sa buhay nila kaya naman sobrang gala ang ginawa nila ngayon. Nandito sila sa McDo ngayon kasi trip nila. French fries at Mcfloat lang ang order nila. Saktong sa gilid sila pumwesto malapit sa bintana. Gaya ng dati, kwentuhan lang sila ng kung anu-ano at naglolokohan. Napatingin si Neveah sa gilid at binasa yung mga nakasulat doon. Sinundan din ito ni Katelyn at nagkatinginan sila sabay ngumiti ng nakakaloko.
“Oy Thea, basahin mo yan oh.” sabi ni Kate kay Thea. Binasa naman niya yung mga nakasulat sa gilid.
Lick.. Smell.. Bite.. Munch..
“Oh, tapos?” painosenteng tanong ni Thea. Nagkatinginan ulit sina Kate at Veah.
“Apply mo yan kay Earl. Haha. Pero practice muna tayo dyan sa float mo. Dali.” nakakalokong sabi ni Kate.
“Magtigil nga kayo!” suway nito. Tinawanan lang siya ng mga kaibigan.
“Dali na. Seduction101, gawin mo na para hindi ka nganga pag ginawa niyo na. Wag KJ!” pangungumbinsi naman ni Veah.
“Oo nga. Baka ma-turn off yun sayo, sige ka. Haha. Earl 101: Seduction Concepts.” sabi pa ni Kate with matching action.
“Oh dali, smell muna tayo. Amuyin mo yang float in a seductive way.” pag-iinstruct ni Veah. Ilang beses muna siyang pinilit ng mga kaibigan bago siya nagpauto sa mga kaibigan. Pero humagalpak ng tawa sina Veah at Kate ng ginawa iyon niya iyon, para daw siyang aso umamoy.
“Oh sige, pagtawanan niyo pa ako.” naiinis na sabi niya sa mga kaibigan.
“Sino ba naman kasi ang mase-seduce sa gnagawa mo? Para kang aso. Haha. Tama na nga yan. Oh dali, lick naman.” natatawang sabi ulit ni Kate. Inirapan muna niya ang kaibigan bago ni-lick yung ice cream sa float. Mas lalong lumakas ang tawanan nina Veah at Kate. Mabuti nalang at kakaunti ang tao sa taas kaya hindi sila ganoong nakakahiya.
“Nakakainis na kayo. Pinagtatawanan niyo ako.” parang batang maktol niya.
“Haha. Sinong hindi matatawa sayo? Seduction ang pinag-aaralan mo tapos para kang aso kung suminghot at mag-lick. Haha. Baka pag ginagawa niyo na yan ni Earl bigla siyang mawalan ng gana dahil sa para kang aso." panenermon ni Veah.
“Sino ba kasing nagsabing gagawin namin yang iniisip niyo? Tss.”
“Just wait dear. Darating din tayo doon. Haha. Kaya nga tinuturuan ka na namin di ba. Tapos, teka dapat may touch pa pala. Hahaha. Hahaplusin mo yung abs niya." tukso pa ni Veah. Hindi niya maiwasang mandiri sa mga pinagsasabi ng mahaharot na kaibigan.

BINABASA MO ANG
CHANCE
Roman pour AdolescentsTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.