THEA
Habang nagmemeryenda sila ng kuya niya sa sala kasama ang ate nila, may mga hindi inaasahang bisitang dumating, pero alam niyang may mga pusong nagwawala sa mga sandaling iyon.
"Kate/Keith." sabay na sabi ng kuya Reece at ate Rin niya. Para silang nakakita ng multo pareho sa sobrang gulat.
"Hi kuya Keith. Hi Kate." simpleng bati niya sa dalawang bagong dating.
"Hello Thea." bati ni kuya Keith
"Hi bakla." bati din ni Kate.
"Ginagawa niyo dito? Sabay pa talaga kayo ha. Haha. Yiie, kayo ha. I smell something fishy." tukso niya sa dalawa, though alam niyang walang namamagitan sa kanila. Bukod sa magkatunog ang pangalan nila, may nagmamay-ari na ng mga puso nila pareho. Kaya hanggang fling-fling lang ang trip ni Kate pag may na-tripang katext. Hindi niya lang alam kay kuya Keith kung duma-damoves na o nagpapalamig muna ulit.
"Naiwan mo kasi itong notebook mo kanina sa room ng magmadali kang umuwi kaya naisipan kong dalhin nalang dito baka kailanganin mo." sabi ni Kate
"Ako, yayayain ko lang si Reece."
"Sus. Utot niyo. Palusot.com lang tayo dito? Hahaha" natatawang sabi niya sa sarili.
"Ah, dito nalang kayo magdinner, siguradong matutuwa sina mama at papa pag nalaman nilang nandito kayo." sabi ng kuya Reece niya.
"Naku huwag na po. Dinaan ko lang talaga tong notebook ni Thea." tanggi ni Kate
"Ako din, yayayain lang kitang lumabas pero kung wala ka sa mood, aalis na din ako" sabi naman ni kuya Keith. Yung mukha naman ng dalawang kapatid niya, priceless. Gusto niyang matawa sa ikinikilos ng apat.
Pero dahil mahal niya ang mga ito, nanahimik nalang siya at pinanood ang live shooting. Mga ilang minuto pang nagtanggihan ang mga ito. Nagsawa na siya sa pakikinig sa pagpupumilit at pagtanggi.
"MA!" sigaw niya na nagpatahimik naman sa apat. Maya-maya ay dali-daling lumabas mula sa kusina ang mama niya.
"Bakit Thea? Anong nangyari?" natatarantang sabi nito
"May magnanakaw ba? Nasaan?" alerto namang sabi ng papa niya. Hindi niya napigilan ang sarili at humagalpak siya ng tawa. Napaka-priceless ang itsura ng mga kasama niya sa bahay.
"Hahaha. Wala po ma. Ano kasi... hahahaha. Teka. pffft! Hahahaha." Hindi niya matuloy-tuloy ang sinasabi dahil sa hindi niya mapigilan ang tawa. Kung siya tawa ng tawa sa takbo ng pangyayari, ang anim na kaharap niya, hindi maipinta ang mukha. Parang byernes santo. Sa mga oras na iyon, bigla niyang nakalimutan ang mga bumabagabag sa kanya. Parang wala siyang inaalalang iba.
"Batukan kita diyan makita mo" nakapokerface na sabi ng ate niya.
"Kuya Kei—este kuya Reece, babatukan daw ako ni ate oh." kunway sumbong niya.
"Hay naku kayo talagang mga bata kayo. Dinamay niyo pa kami sa kalokohan niyo. Ikaw Thea, maligo ka na. Puro pawis ka na, nangangamoy ka na." kunway sermon ng papa nila. Inamoy niya ang sarili.
"Oy pa, sobra ka ha. Hindi pa naman po eh." sabi niya at nag-pout. Pero sinenyasan lang siya ng ama na maligo na dahil nakakahiya sa mga bisista.

BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.