THEAIlang araw na ang nakalipas matapos iyong sa pangho-hotseat kay Knight, pero hindi pa rin ata nakahalata si Veah. Kung nakahalata man, siguro mas minabuti nalang nito na hindi mag-comment. Pati naging busy na din sila kasi malapit na ang midterm kaya hindi nalang siguro nito pinansin iyon, ang goal kasi nito, aral muna bago landi.
“Ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Earl ah.” puna ni Kate. Last time na nakasama nila ang magpinsan ay noong araw na ni-hotseat nila si Knight.
“Baka busy lang iyong tao.” simpleng sagot niya.
“Miss mo?” tanong naman ni Veah.
“Hindi ah.” mabilis niyang sagot.
“Eh bakit ang tahimik mo?” hindi kumbinsidong tanong ni Kate.
“Kailan ba ako naging maingay?”
“Kapag nag-aaway kayo ni Earl.” si Veah.
“Hindi naman na kami nag-aaway ah.” depensa niya.
“Sabi ko nga.” pagsuko ni Veah.
“Just eat, okay?” pagtatapos niya sa usapan. Tumahimik naman ng ang dalawa at hindi na nangulit pa. Sari-saring ingay ang naririnig sa loob ng cafeteria. Pero tumahimik ang lahat ng may marinig silang boses na nagpatahimik sa kanila.
“Maybe I'm a jerk for always making you mad. Haha. Pasensya kung lagi kitang kinukulit at kung lagi kang naiirita sa akin. Pero kahit ganito ako, ang swerte mo kaya kasi sayo pa lang ako naging ganito. Haha.” sabi ng boses lalake na naka-mic. Ang ibang estudyante sa cafeteria, halos mabali ang leeg kakalingon doon at dito para mahanap yung nagsasalita. Napaismid nalang siya.
“Mga kaartehan talaga ng mga mag-girlfriend-boyfriend. Tss.” Tumayo na siya dahil tapos na rin naman siyang kumain. Wala siyang interest manuod ng mga ganitong scene na live, okay lang kung yung mga movies... but not live. Nakaka-ewan ang kaartehan nila.
“Oh saan ka pupunta?” tanong ni Kate.
“Sa labas.”
“Maya na.” si Veah.
“Bakit? Wala ako sa mood panuorin ng mga ganyan. Hindi ko keri.”
“Hindi mo naman kailangang manuod ah. Tsaka kita mong kumakain pa kami oh.” sabi ulit ni Kate ang nag-pout. Wala na siyang nagawa kundi umupo ulit. Nakakawalang respeto nga naman kung bigla ka nalang tatayo at aalis.
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.