chapter 14

324 21 0
                                    

THEA

Tumayo siya kaagad nang marinig ang boses ng ate niya, mabilis ding sumunod na tumayo si Earl. Inayos nila ang mga sarili na humarap sa pamilya niya. Seryosong lumapit ang pamilya niya sa kanila, napaatras naman siya.

"Sa sala." tanging sabi ng papa niya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod nalang. Sinamaan niya ng tingin si Earl. Umupo ang kuya niya sa pagitan nila ni Earl at ang sama pa rin ng tingin nito. Para bang puputulan ng kung anumang pwedeng maputol sa katawan ni kapre. Gusto niyang matawa pero ramdam niya na seryoso ang papa niya kaya pinigilan niya.

"Bakit ba ang pupusok niyong mga kabataan ngayon?" mahinahong tanong ng papa niya.

"Pa, wala kaming ginagawang mali." depensa niya.

"Iniwan naming kayo sa maayos na posisyon pero aabutan namin kayo sa hindi kanais-nais na posisyon." sabi ng papa niya. Sasagot sana siya pero muli itong nagsalita at itinuon ang atensyon kay Earl.

"Ilang taon ka na nga ulit, iho?" tanong ng papa niya kay kapre.

"Eighteen po." parang maamong tupang sagot nito.

"Eighteen! Kaya mo na bang buhayin tong ikapatid ko pati ang magiging pamangkin ko kung sakali!" pang-uusig ng kuya niya.

"Kuya! Walang nangyari sa amin! Na-misinterpret niyo lang iyong naabutan niyo." pangangatwiran niya.

"Manahimik ka. Hindi ikaw ang tinatanong namin." seryosong sabi ng papa niya sa kanya kaya napasimangot nalang siya.

"Kaya ko po." sagot na naman ng kapreng unggoy.

"Ikaw ba mahal mo talaga ang anak namin?" tanong naman ng mama niya.

"Opo." agad na sagot nito.

"Anong ipapakain mo? Hindi namin hinahayaang magutom siya. Tinuturing namin siyang prinsesa sa pamilyang ito." sabi ng papa nila.

"That's true. She's our princess. So don't you dare na paglaruan siya dahil sa kanal ka pupulutin." sabi ng boses lalake mula sa pintuan. Napalingon silang lahat sa pintuan at nakita nila si Keith. Kinindatan siya nito at ngumiti naman siya. Hindi na siya nagtataka kung bakit biglang nandito si kuya Keith. Alam niyang tinawagan ito ng kuya niya para papuntahin.

"Eighteen ka pa lang, ibig sabihin wala ka pang trabaho. So paano mo siya bubuhayin aber?" nakataas ang isang kilay na tanong ng ate niya. Akala niya hindi na sasabat pa ang ate o mama niya sa usapan. Akala niya boys interrogation lang ang mangyayari pero hindi pala. Saka, OA sila masyado mag-react. Para namang ipapamigay na siya ng mga ito sa kapre na ito.

"May savings po ako at kayang tustusan ang mga pangangailangan ni Thea habang wala pa akong trabaho." magalang na sagot ni Earl na kapre.

"Magkano?" tanong agad ng kuya niya.

"Kuya!" saway naman agad niya rito. Inosenteng tumingin sa kanya ang kuya niya. Sinamaan niya ito ng tingin at tumawa lang ito.

"Gaano mo kamahal itong prinsesa namin?" tanong din ni kuya Keith.

"Hindi po madadaan sa sukat ang pagmamahal ko sa kanya. Pero sobrang mahal ko po siya at kaya kong gawin ang lahat sa kanya... well kung hindi kaya, pipilitin." puno ng sinseridad kuno na sagot nito.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon