THEA
“Thea, dito ka.” sabi ng kuya niya at pinaupo siya sa tabi nito na malapit sa wall. Pantatluhan ang upuan sa isang mesa. Kaya ang posisyon nila, siya, kuya niya at si Kate. Sa kabilang table, ang kaharap niya ay si Earl. Bale, Earl, Knight at Veah. Nasa isang fastfood chain sila ngayon. Ang balak lang naman nila eh silang tatlo lang ang lalabas ngayon, kumbaga girls date kasi nga national bestfriend day ngayon pero biglang umeksena ang kapre kasama ang pinsan nito kaya bigla ring sumama ang kuya niya.
Tahimik lang silang anim na kumakain. Hindi siya sanay. Para silang namatayan. Ramdam din niya ang tensyon sa pagitan ng kuya niya at sa magpinsan. Wala naman siyang magagawa para maitaboy palayo sina Earl dahil kung ano ang gusto nito, gagawin pa rin nito. Nabasag ang katahimikan ng grupo dahil sa pagtikhim ni Kate.
“Guys... supposedly, this is to be a girls date. Magsasaya kaming tatlo, hindi yung para tayong namatayan dito.” basag nito sa katahimikan.
“Makakapag-enjoy naman kayo kahit nandito ako. Hindi ko kayo pipigilan.” seryosong sagot naman ng kuya niya.
“Like duh! Like how di ba? Nandyan kayong bubuntot-buntot sa amin tapos parang anytime, magpapatayan kayo.” maarteng sabi ni Kate. Pinabayaan nalang niya ito. Medyo under naman ang kuya niya pagdating kay Kate.
“Kapag umalis na sila, pababayaan ko na kayo.” turo nito kina Earl at Knight. Wala na din silang nagawa. Maya-maya pa ay nagtetext nalang ang ginawa nina Knight, Veah at Kate. Ang kuya naman niya at matalim pa rin ang tingin kay Earl pero nakayuko si Earl at paminsan minsan ay tumitingin sa kanya. Palipat-lipat lang ang tingin niya sa mga kasama.
“Urgh! I can't take it anymore! Nakakabaliw kayo.” reklamo niya at tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong agad ng kuya niya.
“Banyo!” naiirita namang sagot niya. Mas mabuti ng magkulong sa banyo kaysa makasama ang mga ito na hindi rin naman nagsasalita.
“Samahan na kita.” sabay na sabi ng kuya niya at ni Earl. Sinamaan naman niya ng tingin ang dalawa.
“Kaya ko na. Don't dare follow me.” matigas na sabi niya at nagmartsa na papuntang banyo. Nakaka-stress sila! Pagkapasok niya ng banyo, huminga agad siya ng malalim. Hinarap niya ang malaking salamin at nanatiling nakatingin lang sa sarili.
Wala mang nagbago sa kanya sa physical na anyo, alam pa rin niyang may nagbago sa kanya. Binago siya sa emotional na aspeto ng buhay. Tama ang sinabi nila, hindi natin hawak ang tadhana, ang kinabukasan. Parang kahapon lang, she's the so-called-ninety five percent manhater, and now... napabuntong hininga siya. Hindi na niya alam ngayon. Ang alam lang niya, natutunan niyang mahalin ang lalakeng dahilan ngayon kung bakit siya nasasaktan.

BINABASA MO ANG
CHANCE
Fiksi RemajaTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.