chapter 16

313 18 1
                                    

THEA

Naisipan niyang tumambay muna sa library at magbasa habang hinihintay sina Veah at Kate para sabay-sabay na silang papasok sa klase nila. Nag-vibrate ang cellphone niya, tinignan niya agad dahil kanina pa niya hinihintay ang reply ng dalawang kaibigan.

"i didn't enjoy your show. palm twitching mad here." laman ng text. Yung John na naman. Akala niya titigilan na siya nito pero hindi pa pala. Anong show na naman ba ang sinasabi ng taong to?

"Hi." bati ng isang boses lalaki. Nang tignan niya ito, hindi niya ito kilala.

"I heard nag-eentertain ka na ng suitors? Haha. Ako nalang ang boyfriend mo. Mas hamak naman na mas gwapo ako sa nanliligaw sayo ngayon." mayabang na pahayag nito.

"Mali ka ng balita. Umalis ka na." pagtataboy niya. Hindi na siya nag-abalang tignan ito. Hindi naman na ito umimik pero hindi rin umalis sa tabi niya. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng malakas na ingay. Napatingin siya sa katabi niya, nakahiga na ito sa sahig at dumudugo ang labi. Awtomatiko namang napalingon siya sa lalaking nakatayo malapit dito, si Earl.

Galit na galit ito. Ang itim ng aura niya. Tinignan siya nito ng masama, katulad ng tinging kinatakutan niya ng una silang magkita. Napaatras siya ng humakbang ito palapit sa kanya pero alam niyang hindi siya makakatakas.

"Alamin mo kung sino ang pwede mo lang landiin kung ayaw mong mas malala pa diyan ang aabutin mo." matigas na sabi nito. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niyang nakatingin ito sa lalaking katabi niya kanina. Kinuha na nito ang bag niya at walang sabi-sabing hinila na siya nito palabas. Naglakad lang sila ng naglakad hanggang sa makarating sila sa field. Pabagsak na binitawan nito ang bag niya sa damuhan.

"Inagahan mo pa talaga ang pumasok para makipaglandihan?" akusa nito. Bigla siyang nakaramdam ng inis dito kaya hindi niya napigilang sampalin ito.

"Wala kang karapatang husgahan ako! At makikipaglandian ako kung kanino ko gusto! Wala kang pakialam!" sigaw niya at kinuha ang bag sa damuhan para iwan na ang lalake. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang itong nagkaganun. Ibang-iba sa Earl na nakasama niya nitong nakaraang araw, parang sinapian ng demonyo.

"I'm sorry." mahinang sabi nito pero sapat na iyon para marinig niya. Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Alam ko wala ako sa lugar para pagbawalan ka sa mga taong gusto mong kasama pero nadala lang po ako ng selos. Tsaka kilala ko yun, siya yung taong definition mo sa mga lalakeng kinasusuklaman mo. Sorry po." paliwanag nito habang nakapatong ang ulo nito sa balikat niya at naka-backhug ito. Huminga siya ng malalim.

"Sa susunod nalang tayo mag-usap Earl. Baka nandoon na sina Kate at hinihintay ako. May klase pa kami maya-maya." paalam niya at inalis ang pagkakayakap nito sa kanya bago niya ito tuluyang iwan. Hindi na rin ito sumunod sa kanya.

Hindi na siya bumalik sa library dahil baka mamukhaan siya ng mga nandoon. Nahihiya siya dahil siya pa ang dahilan kung bakit nagkagulo doon, well si Earl naman ang gumawa ng gulo or rather yung lalakeng tumabi sa kanya. Magulo. Napagpasyahan niyang dumiretso nalang sa student park para doon hintayin ang mga kaibigan. Tinext nalang niya ang mga ito na doon nalang siya maghihintay.

"Oh, anong nangyari?" bungad sa kanya ni Kate.

"Wala."

"Eh bakit para kang nawalan ng sampung bilyon sa itsura mo? Tapos nag-iba pa ng location?" natatawa namang tanong ni Veah.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon