chapter 25

208 14 1
                                    

THEA

Kahit na tumanggi siya, wala pa rin siyang nagawa dahil mismo ang kuya na niya ang nag-insist na puntahan si Earl sa hospital. Hindi niya alam kung paano nito nalaman kung saang hospital dinala si Earl pero hindi na rin siya nag-abalang magtanong pa. Diretso lang sila sa pagpasok ng makarating sila sa hospital. Sinalubong naman sila ng mga magulang ni Earl ng makita sila. Gusto niyang umatras dahil hindi niya alam kung paano sila haharapin. Siya ang rason kung bakit naaksidente ang anak nila, baka paalisin lang siya ng mga ito.

“Ma’am, sir.” bati niya. Niyakap naman siya ng mama ni Earl at umiyak. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya niyakap nalang din niya ito. Nang kumalas ito sa pagkakayaka sa kanya, pilit siya nitong nginitian.

“Ano po bang nangyari? Paano?” tanging lumabas sa bibig niya.

“Ayon sa mga witness, mabilis daw siyang magpatakbo hanggang sa biglang tumawid ang isang lasing. Iniwasan niya pero nawalan siya ng control.” umiiyak na kwento ng mama ni Earl.

“Pwede ko po ba siyang makita, ma’am?” paghingi niya ng permiso.

“Just call me tita, iha. And of course pwede mo siyang makita, alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang binisita mo siya.” mahinahon naman na sagot ng ginang. Tumayo na rin siya at nagpaalam para puntahan si Earl. Bago siya pinapasok ng mga nurse sa ICU, pinasuot muna siya ng hospital gown at mask.

Oy, gising na diyan.” tawag niya sa natutulog na Earl at hinawakan ang kamay nito. Tahimik sa loob ng kwarto. Tanging ang beep lang ng makinang nakakabit sa katawan nito ang naririnig sa buong kwarto.

Oy kapre, gising na. May kasalanan ka pa sakin eh.” pagkausap pa rin niya. Pero gaya kanina, wala pa rin itong response.

Tss. Ang pangit mo na. Para kang lantang gulay diyan oh.” panlalait niya. Napabuntong hininga siya. Napamura siya sa sarili niya. Nakakatanga pala ang ganito. Kinausap nalang niya ng kinausap ang natutulog na lalake kahit alam niyang wala siyang matatanggap na response mula dito. Para siyang baliw.

After 15 minutes, lumabas na rin siya dahil sabi ng nurse na kailangan na daw magpahinga ni Earl. Paano ba napapagod ang kapre na yun eh natutulog lang naman. Pinuntahan nalang niya ang kuya niya at ang pamilya ni Earl.

Kumusta na siya?” tanong ng mama nito.

Ganoon pa rin po.” balita naman niya. Para namang nanlumo ang ina nito. Hindi naman siguro masamang umasa na magiging okay agad si Earl. Umupo siya sa tabi ni Knight kahit pa parang galit ito sa kanya kaninang nakausap niya ito sa tawag dahil iyon lang ang bakanteng upuan. Wala naman ang kuya niya at ang mga kaibigan niya, siguro nagpunta ng canteen.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon