chapter 5

507 40 26
                                    

EARL

"So? Ano ngayon ang balak mo?" tanong sa kanya ni Knight Harley, ang pinsan at matalik niyang kaibigan.

"Chase her? Haha."

"Baliw nito. Kita mong tinakasan ka na nga kahapon tapos hahabulin mo pa."

"Malay ko ba na natakot sa kagwapuhan ko."

Sino ba naman kasi ang babaeng matatakot sa kagwapuhan niya? Hindi naman siya mukhang criminal o ano tapos bigla siyang tatakbuhan ng Merathea na yun. Swerte kaya nito na siya ang nakabihag sa pihikan niyang atensyon.

"Sino namang hindi matatakot sa ginawa mo? Bigla kang sumugod dun tapos yayakapin mo at sasabihing ikaw ang future niya. Dude! Psycho talaga labas mo dun." natatawang naiiling na puna ng pinsan.

"Anong magagawa ko? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, baka nga mas malala pa ang ginawa mo kesa sa akin! I don't have a choice!"

"Anong you don't have a choice? Pwede namang nakipagkilala ka lang, nakipagkaibigan. Kinuha muna ang loob hindi yung ganun agad."

"Just shut up, okay? Nangyari na ang nangyari!" Naiinis niyang sabi dito. Tama naman ang sinabi nito, kaya lang nangyari na eh. Hindi na niya mababago yung kahapon. And besides, kung makikipagkilala siya at makikipag-kaibigan, hindi rin effective dahil ayon sa nalaman niya, wala itong pinapansin na kahit sinong lalake.

"Ano ngayon ang balak mo?" muling tanong ni Knight.

"Pupuntahan ko siya ulit." desididong sagot niya.

"And scare her again?"

"Nope. Make love to her. Haha!"

"Haha! Sa panaginip nalang yan pre. Hindi ka papansinin nun."

"We'll see. I'll show her the real Earl John Smythe."  

"Yung playboy na ikaw? Eh di mas lalong bagsak ka sa standard niya."

"Kaibigan ba kita o hindi? Kanina mo pa binababa yung self-confidence ko ah. Suntukan nalang aba."

"Tss. Bago lovelife, aral muna atupagin mo pwede? May heavy quiz tayo kaya mag aral muna hala." Utos nito na animo'y tatay niya. Muntik na niyang makalimutan na may quiz pa nga pala sila. Sayang. Gusto na niya muling yakapin si Thea. Nakaka-adik kasi ang amoy nito, ang bango, parang baby ba.

Paano ba kasi naging manhater yun? Wala naman siyang makuhang impormasyon na nagka-boyfriend ito at naloko ng lalake. Buo naman at masaya ang pamilya nila. Baka nahawa sa mga binabasa o napapanuod. Nagpapaniwala masyado sa mga scripted na palabas. Masyado niyang gine-general ang mga lalake. Hindi lahat ng lalake tulad ng iniisip niya na manloloko at iisa lang ang gusto. Ang mga lalake, tulad din ng mga babae na gustong mahanap ang true love nila, ag makakatuwang nila sa bhay hanggang sa pagtanda. Hindi lang talaga halata kasi ang bakla tignan kapag ang isang lalake nagpapaka-hopeless romantic. Napailing nalang siya.

Merathea Regine O'Donnell-Smythe, here I come. Nandito na ang future mo na tutunaw sa yelong nakabakod sa puso mo. I will do everything I can, kahit na anong kabaduyan pa, masungkit lang ang espesyal nitong pagmamahal. Napapangiti siya na napapailing sa naisip. Ang baduy.

~~~~

 "Excited" tanong ni Knight habang naglalakad sila papunta sa building nina Thea.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon