chapter 20

261 18 1
                                    

EARL

Pasipol-sipol siyang tumalikod at iniwan ang dalaga. Well, he's just happy, para siyang nasa cloud9.. Hindi man nito sinasabi, alam niyang lumalambot na ang puso nito para sa kanya. Nagsimula man siyang masama sa paningin nito, sinisigurado naman niyang magiging mabuti naman siy sa huli. Naputol ang pagmumuni-muni niya ng maramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya. Nang tinignan niya ito, mula kay Reece ang text, ang kuya ni Thea.

lunch @ jeji's” Tanging laman ng text. Alam niyang may importante silang pag-uusapan, dahil siguradong hindi naman siya kokontakin kung wala. He knew from the very start na ayaw sa kanya ng kuya ni Thea. He can't blame him. Overprtective lang ito kay Thea. Thea! A realization hit him. Hindi niya makakasama ang dalaga sa lunch!

Mabilis na lumipas ang oras. Ni hindi siya nakinig sa lesson dahil boring. Nakakaantok. Lumabas na agad siya ng classroom pagka-dismiss nila para hindi siya ma-late sa usapan nila ni Reece. Bago siya tuluyang makaalis ng university, tinext muna niya si Thea kahit alam niyang hindi ito magrereply.

“can't meet you, icecreamloves ;( gonna meet your dearest brother :) eat your lunch okay? I love you, icecreamloves.” Nang maisend na niya iyon, lumakad na siya at pinuntahan si Reece. Nang makarating siya sa tagpuan, nandoon na ito. Napamura siya. Mas nauna ito sa kanya, baka bawas points yan. Nilapitan niya ito parang hindi siya napansin dahil busy ito sa pagkalikot sa cellphone nito. Tumikhim siya at nag-angat naman ito ng tingin. Nangunot ang noo nito ng makita siya.

You're ten minutes late. Paano nalang kapag pinayagan ko kayo ng kapatid ko na mag-date, paghihintayin mo siya? Tss.” seryosong sabi nito. Napatungo nalang siya.

Hindi po.” magalang niyang sagot. Tiklop talaga siya pagdating sa kuya ng icecreamloves niya.

Tss. Kain na.” pambabalewala nito sa sagot niya. Umupo na siya at nagsimulang kumain dahil may pagkain na agad nan a-order. Tahimik lang silang kumain. Nang matapos na, kumuha siya ng bwelo at nagtanong.

Ano po bang pag-uusapan natin kuya?”

Leave my sister alone. Layuan mo na siya.” seryosong sabi nito. Para namang binuhusan siya ng napakalamig na tubig. Kung kailan sila nagkakamabutihan ni Thea, doon pa talaga ito hahadlang? Then, Reece burst out laughing.

Hahaha. Para kang tinuklaw ng ahas.” natatawang sabi nito sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin. It's not a good joke!

Kung dahil lang to sa pagka-late ko, hindi naman yata tama yun. And besides, wala kang sinabing oras. Pwedeng one pm pa ang lunch time ko.” pagdadahilan niya. Ngumisi lang ang kasama niya.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon