chapter 10

403 25 12
                                    

THEA 

Gaya ng dati, nakaabang na naman sa labas ng classroom nila yung magpinsang asungot. Kanina pa sumesenyas yung kapre na labasin daw niya ito pero hindi niya ito binibigyang pansin. Pati, may ginagawa siya kaya wala siyang oras na makipagbangayan dito. Hindi niya alam kung nasanay na siya o ano, pero hindi na siya gaanong naiirita sa tuwing nakikita niya ito. Minsan kasi, parang mabait naman ang kapre, marunong mag-alaga. Pero minsan, parang ang sarap ipatapon sa Bermuda Triangle. Sarap ipalapa sa piranna.

Ang lalim yata ng iniisip mo? Lapitan mo na kasi.” tukso sa kanya ni Kate.

 “Hindi ah. Iyang si Veah ang kanina pa tulala oh. Haha.” pag-iiba niya. Binalingan nga ni Kate si Veah na nakatulala lang at malayo ang tingin.

Matunaw yan.” natatawang sabi ni Kate kay Veah. Nasa direksyon kasi ni Knight ang tingin, hindi lang sila sigurado kung tinitignan niya ito o talagang nakatunganga lang.

A-anong matutunaw?” takang tanong ni Veah. Tinawanan nila ang kaibigan pero tinaasan sila ng kilay nito.

Chill. Haha.” sabi niya dito at hinagod-hagod pa ang likod na nagpakunot pa ng noo niya.

Ano ba ang pinagsasabi niyo?” naguguluhan pa ring tanong nito.

Eh kasi naman po, kanina ka pa nakatitig kay Knight. Aminin mo nga, may something na ba diyan?" tanong ni Kate sabay turo sa puso ni Veah.

“Ay ewan ko sa inyo. Huwag ako ang pagtripan niyo, marami akong ibang iniisip.” pambabalewala nito sa panunukso nila.

“Thea, tapos mo na yung copy ko? Pahiram ako.” tanong ng kaklase nila na hiniraman niya ng photocopy nung assignment nila dahil nakalimutan niya yung kanya at ginagamit naman kanina nina Veah yung kanila.

“Ay hindi pa pala. Ipapa-photocopy ko nalang saglit ha.” paalam niya. Tumango nalang ang kaklase niya. Lumabas na siya ng classroom nila para makapagpa-photocopy na kaagad at maibalik ang hiniram na assignment.

“Saan pupunta ang babebibobu ko?” nakaabang agad na tanong ni Earl.

“Magpapa-photocopy. Huwag ng madaming tanong, bumalik ka nalang sa klase niyo.” deretsong sagot niya para hindi na siya nito maharang.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon