THEA
“Leave me alone. Sa babaeng mahal ko lang ako magpapakasal.” naiinis na sabi ni Earl sa kausap nito sa cellphone nito. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito napansing dumating at lumapit.
“Hey, problema?” tanong niya dito. Napaigtad naman ito at humarap agad sa kanya na para bang nakakita ng multo.
“Ah, w-wala.”
“Sino yung kausap mo?”
“Ah, si... Knight. Am, usapang k-kasal kasi kami kaya ganun. Hehe.” nauutal na sabi nito at niyakap siya. Hindi siya kumbinsido sa sinabi nito, alam niyang may itinnatago na naman ito sa kanya.
“I love you, icecreamloves. Ikaw lang ang hihintayin ko sa harap ng altar at kasamang mag-a-I do sa pari.” paglalambing nito sa kanya. Alam niyang may mali sa inaakto nito.
“Si Grace ba yun? Pinipilit pa rin ang kasal?” hindi niya napigilang tanong dito.
“H-ha? Hindi ah. Haha. Selos ka no?” natatarantang sabi nito. Something is really not right. Kung hindi ito aamin, gagawa siya ng paraan para malaman kung ano iyon.
“Okay.” matipid niyang sagot.
“Ang icecreamloves ko, nagtatampo oh. Ikaw lang naman kasi. Huwag ng magduda, okay? Mahal kita. Mahal na mahal. Walang magagawa yung Grace na yun.” sabi ulit nito at niyakap siyang muli. Niyakap nalang din niya ito.
“Earl?” hindi siguradong tawag ng isang boses babae malapit sa kanila. Kumalas naman si Earl sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa babaeng tumawag dito.
“Sabi ko na nga ba, ikaw iyan eh.” masayang sabi ng babae at dali-daling lumapit kay Earl at ipinulupot ang mga kamay nito sa braso ni Earl na parang ahas. Gusto niyang sapakin si Grace ng mga orasna iyon. Yes, si Grace lang naman ang parang lintang pumulupot kay Earl.
“Uh, wait.” sabi nito at pilit kumakawala sa pagkakakapit ni Grace.
“Why? Ikinakahiya mo na ba ako babe?” malanding tanong nito at tumingin sa kanya. Napangiwi siya sa pagtawag ni Grace ng babe kay Earl. Parang ang ewan, nakakadiri sa pandinig.
BINABASA MO ANG
CHANCE
Genç KurguTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.