THEA
Makalipas ang ilang sandali, lumabas na din si Earl mula sa kwarto nito. Halatang bagong ligodahil iba na ang damit nito at basa ang buhok. Nakangiti naman itong lumapit sa kinauupuan niya.
"Hi." bati nito sa kanya nang makalapit ito.
"Hello."
"Bakit ka napadalaw?"
"Am, ano... wala lang. Nakakaistorbo ba ako? Aalis nalang ako."
"Hindi naman. I'm glad you came. Gusto mong magmeryenda?" alok nito sa kanya at nagtungo na sa pinaka-kusina na ang apartment nila. Sumunod naman na siya para tulungan na itong maghanda ng mamemeryenda nila.
"Siya nga pala, para sayo. Ginawa ko, first time. Haha." nahihiya niyang sabi sabay abot ng box na pinaglagyan ng ate niya ng cookies.
"Pati ito?" nakangiting tanong nito at ipinakita sa kanya yung cookies. Sa tatlong pinakagitna, may nakasulat na I <3 U.
"Hindi ah!" sagot naman niya kaagad.
"Sabi mo gawa mo."
"Oo nga pero... ay shete!" naalala niyang ang ate pala niya ang naglagay sa box. Hindi naman niya akalain na gagawin iyon ng ate niya.
"Si ate ang naglagay ng mga cookies sa box. Baka siya ang nagsulat niyan." pagpapaliwanag niya. Para namang na-disappoint si Earl ng malaman iyon.
"Akala ko pa naman sinasagot mo na ako. Haha."
"Baliw. Di ba sabi ko, babawi ako dun sa natapon na binigay mong sandwich na siopao sa akin nun. Kaya ayan, ginawan din kita ng cookies. Yun nga lang, first time kong gumawa, hindi ko alam kung tama yung timpla. Haha."
"Hindi naman na kailangan, pero thank you. Na-appreciate ko din kahit na hindi ko alam kung sasakit ang tyan ko pag kinain ko to. Haha."
"Hoy ang sama mo. Akin nalang kung ayaw mo." maktol niya at akmang kukunin ulit ang cookies pero iniiwas nito iyon.
"Akin na to aba. Walang bawian." angal naman nito. Hindi na siya nakipag-agawan pa dahil wala naman talaga siyang balak kunin yun. Dinala na lang niya sa sala yung inumin nila at binitbit na din ni Earl yung ibang pagkain. Medyo awkward yung paligid dahil pareho na silang hindi umimik pagka-upo sa sala. Nag-isip siya ng kung anong pwedeng mapag-usapan pero wala naman siyang maisip. Nakatingin lang sa kanya si Earl na mas nagpailang sa kanya.
"May naaalala ka sa araw na ito?" tanong sa kanya ni Earl. Parang umaasa na may maalala siya. Nag-isip naman siya kung anong meron ngayong araw, pero wala siyang maalala. Kanina pa nga siya napapaisip kung ano ang meron ngayon dahil pakiramdam niya, may dapat i-celebrate.
"Birthday mo?" hula niya. Tinawanan lang siya nito.
"No."
"Eh, ano? Wala kasi akong maalala na okasyon ngayong araw."
"Wala. Akala ko lang naalala mo na." napabuntong hininga na sabi nito, parang nanghihinayang. Nangunot naman ang noo niya.
"Ano nga iyon?"
"Wala. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko." sabi nito.
Kahit ayaw na nitong pag-usapan pa yung tungkol sa sinasabi nito, hindi pa rin niya maalis sa isipan kung ano ang meron ngayon. Kung ano ang dapat niyang alalahanin ngayong araw na ito. Pero kahit anong pag-iisip, blanko pa rin ang isipan niya at wala siyang maisip kaya hinayaan na lang niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/9082926-288-k402451.jpg)
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.