chapter 35

262 14 0
                                    

 EARL

The whole week was hell for him. Kinailangan niyang tiiisin na hindi makita si Thea ng isang linggo. Kinailangan niyang magpanggap muli na wala siyang pakialam dito. Sa loob ng limang araw, madami siyang inasikaso sa business nila. Biglaan kasing ipinasa sa kanya ng papa niya ang pamamahala dito. Pero biglaan din siyang gustong isama ng tita niya sa ibang bansa. Una palang, sinabi na niyang ayaw niya, but his tita insisted na sumama siya para mas masanay at mapag-aralang mabuti kung paano ang pasikot-sikot sa business, though hindi naman siya pinipilit ng mga magulang niya. Sa loob ng limang araw, he had sleepless nights. He was so f@cking tired. Papasok siya, and everytime may bakante siya at pagkatapos ng klase, dumidiretso siya sa kompanya nila.

Yesterday, 6th day na pagtitiis niya kay Thea. Alam niyang nasasaktan ito at galit sa biglang pagkawala niya. Tapos ng magkaroon siya ng oras na itext ito, ang pag-alis niya pa ang nasabi niya. Mas doble ang sakit na naramdaman niya knowing that he's hurting her. Binigla niya ito, hindi siya nakapagpaalam ng maayos. Naguguluhan na rin siya. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan ang babaeng mahal niya. Pero parang hindi niya kayang makitang mapunta sa wala ang pinaghirapan ng mga magulang niya sa napakatagal na panahon. Hindi na niya alam ang gagawin. Ilang oras nalang, aalis na sila. Nasa airport na sila, at tanging pagsakay nalang ang hinihintay nila. Hindi pa rin siya nakakapagdesisyon.

Alam niyang hindi siya magiging masaya doon. Lalo pa at mas makakasama niya si Grace doon. Ayaw niya dito. Para itong linta kung makakapit. Kahit ipagtabuyan niya ito, kusa pa rin itong lumalapit. Ilang beses na niyang ipinamukha na hindi niya ito gusto pero nagbubulagbulagan lang ito. Naiirita siya sa tuwing naiisip na makakasama niya ito doon. Kung si Thea sana ang makakasama niya doon, hindi siya magdadalawang isip. Pero hindi, maiiwan dito sa Pilipinas si Thea. Siguradong mawawalan sila ng kumunikasyon dahil nakipaghiwalay na nga ito sa kanya. Kumbaga wala na siyang habol dito. Hindi niya masisis ang dalaga. Siya naman ang may kasalanan. Siya ang nagkulang sa panandaliang relasyon nila.

Pero kahit ganoon, hindi pa rin niya kakayaning mawalay dito. Pwede siyang gumawa ng paraan para bumalik ang samahan nila. Kaya niyang maghintay muli na bumalik ang samahan nila... pero iniisip palang niyang mapapawalay siya dito, na wala na siyang babalikan kapag dumating yung panahon na babalik ulit siya sa Pilipinas, pakiramdam niya dinudurog ng paulit ulit ang puso at buong pagkatao niya. Hindi niya ito kayang iwan. At isa pa, malapit na siyang magtapos. Kapag sasama siya sa ibang bansa, back to zero siya. At higit sa lahat, ayaw niyang makasama ang lintang si Grace. Ayaw niya. Tatalon nalang siya mula sa airplane kaysa makasama ang Grasyang iyon. Kahit pa mas magiging maganda ang buhay niya doon, ayaw pa rin niyang umalis. Isang linggo na niyang pinag-iisipan lung sasama ba o hindi and finally, nakapagdesisyon din siya. He's staying and no one can stop him.

Tita, I'm sorry. Pero hindi na ako sasama.” sabi niya dito. Tumingin naman ito sa kanya.

Are you sure?”

Opo. Hindi ko kayang iwan ang babaeng mahal ko. At kung tungkol sa business, kaya ko yung pag-aralan kahit na nandito ako, tutulungan ako ni Papa.”  sabi niya. Hindi na lang niya binanggit ang tungkol kay Grasyang linta para hindi na humaba pa ang usapan.

Ikaw ang bahala. Sige, ikaw nalang ang magsabi sa mga magulang mo ang dahilan. Mauuna na ako. Bye.” paalam na nito dahil tinawag na ang mga pasahero. Nagpaalam na rin siya. Hinintay niyang makapasok ito sa loob bago tuluyang umalis. Bumyahe siya kaagad papunta kina Thea dahil marami siyang dapat ipagpaliwanag.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon