Epilogue

401 14 3
                                    

EARL

Few months have passed. Nawalan na sila ng communication ni Thea. Pwede naman niya itong puntahan sa building nila, but he respected her decision, hindi siya nagpakita dito. Pero lagi pa rin niya itong pinupuntahan at tinatanaw mula sa malayo. Binigyan niya ito ng time and space para makapag-isip-isip at mahilom ang sugat na dinulot niya mismo.

“Earl! Bilisan mo na diyan!” sigaw ni Knight mula sa labas.

“Nandyan na!” sigaw din niya at lumabas na ng kwarto para makaalis na sila. Ngayong hapon ang Gawad Parangal sa university nila, para sa mga nag-excell sa kanya-kanyang kurso at mga extracurricular activities. And luckily, kasama siya sa mga mabibigyan ng award.

“Ayos ah. Para ka ng isasakal este ikakasal niyan. Haha.” biro ni Knight.

“Ikaw din naman ah. Haha.” biro din niya dito. Their attire is Barong Tagalog and for the ladies ay Filipiñana. Pilipinong-pilipino ang dating nila.

“Balita ko, kasama din sina Thea sa Parangal.” balita sa kanya ni Knight. Napabuntong hininga siya.

“I’ll do my best para umiwas sa kanya.”

“Bakit ka iiwas? Sinubukan mo namang magpaliwanag pero hindi ka niya pinakinggan. Kung sakali mang magkasalubong kayo, which is hindi imposible, act like a man, dude.” payo nito sa kanya.

“Dami mong satsat, tara na nga.” pag-aya nalang niya dito para tapos na ang usapan. Madaling planuhin ang gagawin pero kapag nasa sitwasyon na, nababalewala.

Nang makarating sila sa university, malapit ng magsimula ang program kaya umupo na sila agad sa naka-assign na uupuan nila. At kung tadhana nga naman ang naglaro, wala kang laban. Sa naka-assign na upuan nila, nasa harap lang nila si Thea at ang mga kaibigan at kaklase nito.

Why you gotta be so rude, Destiny? Can’t you see? Hindi pa ako naka-move on. Tapos na ang three-month rule pero hindi pa ako naka-move on! Nasaan ang hustisya?

“Ganda no? Mas lalo pa atang gumanda eh. Balita ko, ganyan daw epekto ng broken hearted sa mga babae. Haha.” bulong sa kanya ni Earl. Sinamaan lang niya ito ng tingin para tumahimik na. Ang daldal kasi. Baka marinig pa sila ni Thea at malaman na nasa likuran lang siya nito.

~~~~~~~~

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon