THEA
“Iha.” tawag sa kanya ng mommy ni Earl pagkalabas niya ng kwarto nito. Sinalubong siya nito ng yakap. Wala na siyang nagawa kundi ang humagulgul sa iyak.
“Tahan na. Temporary amnesia lang naman daw sabi ng doctor, dahil na din daw sa halos isang buwan niyang walang malay kaya may mga bagay siyang hindi maalala at kung naaalala naman niya, hindi pa masyadong malinaw. Pasasaan ba at maaalala ka rin niya.” pag-alo nito sa kanya.
Ang tanong, kaya ba niya? Kaya ba niyang manatili sa tabi nito kung kinalimutan na siya nito? Kaya ba niyang ipaalala sa kanya ang lahat ng hindi siya nasasaktan dahil sa katotohanang kinalimutan nito ang sandaling samahan nila? Napaiyak siya lalo. Mahina siya pagdating sa pag-ibig, takot siya sa pag-ibig kaya mas pinili niya noon ang kalimutan ang salitang ito dahil alam niya na masyadong mabigat ang kaakibat nito.
“It's just a temporary amnesia, Thea. Let’s be patient.” pag-aassure nito sa kanya. Tumango nalang siya. Kumalas siya sa pagkakayakap.
“Pasensya po.”
“Wala kang dapat ihingi ng pasensya.” nakangiting sabi nito.
“Ate, kuya will remember you. Pangako.” nakangiti ring sabi ni Elijah. Nginitian lang niya ang nakababatang kapatid ni Earl.
“El, samahan mo muna si ate na kumain ha? Kakausapin ko lang ang kuya mo.” bilin ng mama nito. Tumango naman si Elijah. Nagtungo na sila sa cafeteria ng hospital.
“Ate, kuya really loves you.” sabi nito sa kanya habang kumakain sila.
“Paano mo naman nasabi yan?”
“Lagi ka niyang kinukwento sa akin noon eh. Ginawa pa nga po niyang bed time story ko yung sa inyo. Alam ko maaalala ka rin niya. Tutulungan kitang ipaalala sa kanya kung sino ka.” nakangiting sabi nito na para bang kumpyansa itong maaalala siya ni Earl. Ngumiti na rin lang siya dahil nakakahawa ang ngiti nito.
“Bakit nga pala hindi nadadalaw dito si Grace?” tanong niya. Tuwing dumadalaw kasi siya, hindi niya ito nakikita.
“Dumadalaw po, pero laging natation na wala ka. Tsaka, hindi naman siya welcome sa family naming eh.”
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.