chapter 11

355 21 2
                                    

EARL 

Heto sila ngayon, nakaupo sa ilalim ng puno. Kasama niya sina Thea, Kate, Veah at Knight. Parang may sari-sarili silang mundo. Lahat kasi gumagawa ng baby thesis, pero tinatamad na siyang ituloy ang kanya kaya bored na siya. 

"Hoy, babebibobu." tawag niya kay Thea. Pero hindi siya nito pinansin dahil busy ito sa pagtipa sa laptop nito.

Nakakabadtrip! Ni hindi man lang ako pinansin! Parang hindi na naman ako nag-eexist. Pag ako hindi nakapagtimpi, makakagawa na naman ako ng pag-aawayin naming.

"Oy, itigil mo muna yan. Asikasuhin mo naman ako." sabi niya ulit pero gaya kanina, hindi siya pinansin. Tinignan niya ang mga kasama nila at parang wala silang pakialam sa kanila. Ganito naman sila palagi, parang may divider sa pagitan nila. Pero mabuti na rin yun, para kahit magkakasama sila, para pa ring solo niya si Thea. Naiinip na talaga siya. Para siyang invisible dito na walang pumapansin sa kanya. Huminga siya ng malalim. Isang beses pa, kapag ako hindi pa nito pinansin, ewan nalang niya.

"Merathea Regine O'Donnell-Smythe." nilakasan pa niya ito at tinutok malapit sa tenga nito ang pagsasalita niya pero hindi pa rin ito natinag.

Seryoso? Patay na ba ako kaya hindi nila ako napapansin?

Naiinis na siya kaya hinablot niya ang laptop nito sa lap niya. Bahala na kung saan hahantong ito. Basta makuha lang niya ang atensyon nito, okay na.

"Nak ng! Ano bang problema mo? Kita mong busy ako di ba? Madami akong kailangang tapusin na mga reports! Wala ka bang common sense ha! Busy ako! Bu-sy!" sigaw nito sa kanya ng kinuha niya ang laptop nito. Nagulat naman ang mga kasama nila kaya napatingin ang mga ito sa kanila, with their wide eyes. Habang si Thea ay halata ang galit sa mga mata nito.

"Anong malay ko? Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin!" inis din niyang sagot. Alam niyang nagtitimpi lang ang babae dahil parang magmumura sana ito pero pinigilan din ang sarili. Kitang-kita niya kung paano ito huminga ng malalim.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon Earl, makukuha mo ang gusto mo! Marunong ka namang makiramdam!"

"Makukuha ko kung gugustuhin ko." hamon niya.

"Akina yang laptop ko, marami pa akong gagawin."

"Not until you say sorry."

"What the! Ako na nga itong naistorbo, ako pa ang magso-sorry? Ang kapal din ng pagmumukha mo no?" nanlisik ang mga mata nito.At kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa siya ilang beses na namatay.

"Hehe. Sorry na. Hindi mo kasi ako pinapansin eh."  pagpapa-cute niya. Gaya nga dati, hindi iyon effective. Parang nag-back to zero ulit siya.

"Umalis ka nalang kung wala kang matinong gagawin. Nakakaistorbo ka na." seryosong sabi nito at kinuha ang laptop sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi na lang din siya umimik. Lumapit siya dito at ipinatong ang ulo sa balikat nito.

"Sorry na." bulong niya. Hindi siya nito pinansin dahil balik na naman ang atensyon sa ginagawa.

"Babebibobu ko, sorry na." ulit niya.

"Oo na. Manahimik ka nalang kasi madami akong ginagawa." sagot naman nito na hindi inaalis ang tingin sa laptop.

"Te amo." bulong niya ulit. Ni-pat lang nito ang ulo niya na nakapatong sa balikat nito.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon