THEA
Sumunod na siya sa ate niya sa kwarto nito. Dumiretso ito sa drawer sa harap ng salamin niya at may kinuhang notebook bago umupo sa kama nito at inaya siyang umupo sa tabi nito. Hindi na siya nagdalawang isip na tumabi dito dahil parang may importante itong sasabihin.
“Ano bang pag-uusapan natin, ate?” hindi makapaghintay na tanong niya dito. Huminga naman ito ng malalim na parang nahihirapan siya kung itutuloy ang sasabihin o hindi.
“Narinig kong nag-uusap kayo ni Reece.” mahinang sabi nito. Nangunot naman ang noo niya. It’s not like isang kasalanan na mag-usap sila ng kuya niya.
“Then?”
“It’s about the July 18th.” malungkot na sinabi nito at napayuko. Sa inaakto ng ate niya, alam niyang may dapat siyang malaman tungkol sa July 18 na iyan.
“May alam ka tungkol doon ate? Anong meron sa July 18?”
“It was the day we almost lost you.” mahinang sabi nito at iniabot ang notebook sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali, diary ito ng ate niya.
July 18, 2001
A supposedly happy and normal day out for our little angel Thea, has become our worst nightmare. She was hit by a car on her way home with Reece. Sobra ang naging damage sa buong katawan ni Thea. The doctor said, they will try everything they can to save her but there’s a 50-50 chance she might not be able to survive. It all depends on her if she will fight for her own life. Dear Papa God, please help us.
July 20, 2001
My baby sister survived her operation, but our parents won’t let us see her inside her room. But I heard the doctor said that she suffered severe damage in her brain and in coma and all they can do is to wait until she’s ready to come back. Reece blame himself so badly, ayaw niyang kumain at halos hindi makatulog. He’s so depress. I wish everything will be back to normal soon. I miss my family.
Dalawa palang ang nababasa niya pero hindi na niya kayang ituloy pa. Hindi kayang i-process ng utak niya ang nalaman niya. Hindi niya alam kung maiiyak siya o magui-guilty dahil naging pabigat siya sa pamilya niya noong mga panahong iyon.
“You were in coma for almost three months. Noong nabigyan ka ng pangalawang pagkakataon na mabuhay, pinangako ni Reece na hinding-hindi ka na niya pababayaan at palaging poproektahan. Kung nasaan ka, dapat nandoon din siya para mabantayan ka.” sabi ng ate niya at ngumiti ng malungkot na parang naaalala ang mga nangyari.
“Paano daw ba ako nabangga, ate?”
“Nakakita ka daw ng nagtitinda ng ice cream sa kabilang kalsada kaya bigla ka nalang tumawid. Hindi ka napansin ni Reece dahil busy ito sa paglalaro ng Gameboy. Haha.” pagak ang tawang narinig niya mula sa ate niya. Wala siyang masabi, pero marami siyang gustong itanong sa pamillya niya.
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.