THEA
Mahimbing pa siyang natutulog nang makramdaman niya ang mahinang tapik sa balikat niya. Hindi nalang niya ito pinansin dahil inaantok pa talaga siya at baka guni-guni lang niya na may gumigising sa kanya. Hindi naman kasi siya nakasanayang gisingin ng pamilya niya ng ganito kaaga.
“Icecreamloves, gising na.” tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses habang tinatapik siya sa balikat. Napamulagat siya bigla. Anong ginagawa nito dito? Anong oras na ba?
“Uy, bangon na, icecreamloves.” tawag ulit nito sa kanya. Hindi siya nagkakamali. Si Earl nga ang nasa loob ng kwarto niya. Agad naman siyang bumangon.
“Anong ginagawa mo dito?” taking tanong niya. Madilim pa kasi sa labas pero alam niyang mag-uumaga na. Siguro mga bandang 5:30 o magsi-six na.
“Wala man lang good morning?”
“Ano ngang ginagawa mo dito ng ganito kaaga? Paano ka nakapasok dito?”
“Binuksan ko yung pinto mo at naglakad papasok.” pamimilosopo nito kaya binatukan niya ito ng malakas.
“Sabi ko nga pilosopohin na ang lasing, huwag lang ang icecreamloves kong bagong gising.” nagkakamot ng ulong sabi nito.
“Ano nga kasing ginagawa mo dito?” tanong ulit niya. Nawala na ang antok niya dahil sa kalokohan ng kapreng ito.
“Bihis ka na dali, magba-bike tayo.” nakangiting sabi nito sa kanya. Binatukan niya muli ito.
“Aray ha! Kay aga-aga, nakadalawa ka na icecreamloves ha. Kaya bilang kabayaran, sasama ka talaga sa akin. Bihis ka na ha." nakangiti ulit nitong sabi at hinalikan siya sa pisngi bago nagmadaling tinungo ang pinto. Wala siyang planong makisabay sa trip ni kapre ngayon kaya balak niyang matulog ulit sana ng pumasok ang ate niya.
“Oh, wag mong sasabihing matutulog ka? Naghihintay sa baba yung tao, Thea.”
“Eh bakit kasi ang aga mambubulabog. Inaantok pa ako ate eh.” maktol niya.
“Ay naku, ang baby namin talaga oh. Sweet yun hindi pambubulabog. Haha.” depensa ng ate niya sa kapre.
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.