chapter 15

332 21 2
                                    

EARL

It's been a week since he had that conversation with Thea's family. He couldn't help himself but smile. Natutuwa siya dahil nakagaanan niya kaagad ang pamilya nito maliban sa kuya nito. Pagkakita palang nito sa kanya nang pagbuksan siya ng gate, ramdam niya na ayaw nito sa kanya. Kwinestyon pa siya kung bakit bakla ang pakilala sa kanya ni Thea tapos bigla siyang dadalaw para umakyat ng ligaw. He explained his side, and the rest bahala na si Thea dahil ito naman ang gumawa ng kwento at nagsinungaling.

Pero kahit ganoon, nakisali pa rin ang kuya nito sa pagtutukso sa kanila. He had fun teasing Thea, it was one of his most unforgettable moment in life. Pero nang mawalan ito ng malay sa loob ng CR, parang tumigil ang pagtibok ng puso niya at nawala ang lahat ng dugo sa katawan niya. Hindi siya agad nakakilos nung una, pero nang mabuksan na nila ang CR, nakipag-unahan pa siya sa kuya nito para makuha ing dalaga para maisugod sa hospital.

Agad nilang dinala ito sa hospital, ilang oras itong walang malay. He never left her side until she woke up. Wala siyang sawang pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ng natutulog na babae. Mala-anghel ang mukha pero kapag gising, parang tigreng laging galit. But he never gave up on her. He may act like a jerk or a psycho, but what he feels for her is true. Lalo pang tumibay ang nararamdaman niya sa nalaman sa araw ding iyon.

[Flashback]

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Thea matapos ang ilang oras na walang malay. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at pagkalito.

"Nasaan ako?" tanong nito sa kanya nang makita siyang nakaupo sa upuan sa gilid ng kama.

"Nasa hospital ka. Anong gusto mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Anything?" natatarantang tanong niya rito. Mas OA pa siya mag-react kesa sa pamilya nito pero ano ang magagawa niya? Buhay niya ang na-ospital kaya hindi siya masisisi ng mga ito. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.

"Oo, gusto kong maging kamukha ko yung magiging anak natin para pogi din pero huwag mo ako masyadong titigan, baka matunaw ako. Walang magisnan na ama yan makita mo."  seryosong sabi niya. Bigla namang nangunot ang noo ni Thea at halatang naguluhan sa sinasabi niya.

"Buntis ka." pagbibigay linaw niya. Agad namang napabangon si Thea sa gulat.

"Ano?! Paano akong mabubuntis eh hindi naman ako nakipag... basta ganun!" sigaw nito sa kanya.

"Just kiddin', babebibobu ko. Haha. Sandali lang, tawagin ko lang yung doctor tapos sasabihan ko na din ang pamilya natin este mo." paalam niya. Hindi ito umimik. With one last glance at her, he went out to search for her doctor, agad naman niya itong nahanap. Nauna na ang doctor sa kwarto ni Thea dahil pinuntahan pa niya sa canteen ang pamilya nito para ipaalam na gising na ang dalaga.

"As I was saying, pwede na siyang lumabas maya-maya. Na-suffocate lang siya sa banyo kaya siya nahilo. But still, she needs to rest." payo ng doctor ng makapasok sila sa kwartong inuukupa ni  Thea. Nag-usap pa saglit ang mga magulang ni Thea at ang doctor bago sila tuluyang ininwan.

"Anong gusto mo? Apple, orange, grapes o ako? Haha." alok niya.

"Gusto ko ng mangga. Haha."

"Bibili mamaya ng mangga si daddy, sa ngayon yung mga nandito nalang muna anak pwede?" pabiro niyang tanong habang nakatingin sa tyan ni Thea. Nagtawanan lang sila sa kalokohan nila habang nagbabalat siya ng orange.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon