THEA
Habang nakatambay sila sa classroom nila at hinihintay ang prof nila, tahimik lang siya na nakaupo sa isang sulok at nakikinig ng music habang ang ibang mga kaklase niya ay nakikipagchikahan. Huminto lang ang mga ito ng kumatok ang secretary ng dean sa pag-aakalang papagalitan sila kasi nagiging maingay na ang klase.
"Meron ba ditong nagngangalang Merathea Regine O'Donnell?" tanong nito. Tumingin naman ang lahat ng mga kaklase niya sa kanya. Napilitan siyang magtaas ng kamay sabay tayo dahil walang sumagot sa kanila.
"Miss O'Donnell?" paninigurado nito.
"Yes ma'am." sagot niya. May kinausap ito sa labas bago bumaling ulit sa kanya.
"May naghahanap sa iyo."
"Sino po?" tanong niya. Hindi na ito sumagot. Nag-give way nalang sa kausap nito sa labas ng room nila para makapasok ito.
"O my sizzling hot!"
"Fafaliciousssss!"
"Shocks! Yummy!"
"Who's that sizzling hot fafa?" Mga bulungan ng mga babae at baklang kaklase niya. Gusto niyang matawa sa mga reaksyon ng mga ito. Wala naman kakaiba sa lalakeng ito maliban lang sa aura nito. Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha nito. PArang familiar sa kanya ang lalaki pero sigurado siyang hindi niya ito kilala. Pero bakit naman siya kilala nito? Bakit siya hinahanap?
Iniangat nito ang isang kamay at sinenyasan siyang lumapit dito. Tinaasan lang niya ng kilay ang lalake at binalewala. Hindi siya aso para magng sunod-sunuran siya dito. Kung may kailangan ito, siya ang lumapit. Umupo ulit siya sa upuan niya at binalik ang earphone sa tenga at ipinagpatuloy ang pakikinig sa music. Idinantay niya ang kamay sa mesa at saka ipinatong ang ulo. Parang bigla siyang inantok. Kahit naka-earphone siya, naririnig pa rin niya ang mga ingay sa paligid dahil hindi naman kalakasan ang pagpapatugtug niya. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya at tinanggal ang earphones niya dahilan para iangat niya ang ulo niya at tignan kung sino yun.
"Problema mo!" inis na sabi niya sa lalakeng naghahanap sa kanya. Ngumiti lang ito at niyakap siya. Nakaupo sila pareho pero magkaharap kaya nagawa siya nitong yakapin. Inalis naman niya ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Masama bang ma-miss ang girlfriend ko?" pagpapa-cute nito pero mas lalo niya itong tinaasan ng kilay at pinukol ng masamang tingin.
"Ay? Boyfriend ba yan ni O'Donnell? Akala ko ba manhater siya, eh bakit super sizzling hot ang nabingwit?" echoserang sabi ng isa sa mga kaklase niya.
"Sino ka ba! Naka-drugs ka ba? Pinagsasabi mo! Hindi nga kita kilala eh."
"Ouch. I'm wounded." pag-iinarte nito. Parang totoong nasaktan sa sinabi niya. May future sa pag-arte.
"Psycho!"
"Grabe to. I'm Earl John Smythe, babebibobu. And I'm not a psycho, I'm your future. Gotta go, I'll wait for you outside." paalam nito at kinindatan siya bago lumabas ng classroom nila. Naiinis siya sa inaakto nito, na para bang magkakilala talaga sila at may relasyon kahit wala naman.
"Magkano naman kaya ang pustahan nito ng mga kaibigan nito? Tss. Kung gusto niya ng laro, pwes nagkamali sila ng target dahil hindi ako pumapatol sa mga ganyan." Sabi niya sa loob-loob niya.
BINABASA MO ANG
CHANCE
Novela JuvenilTake every chance you get in life, because some things only happen once. credit to @itsmeyourlookingfor for the cover.