chapter 7

488 29 10
                                    

 Meli keuliseumaseu! Saehae bog manh-i bad-euseyo!

Merikurisumasu! Akemashiteomedeto!

Merry Christmas! Happy new Year!

 ~~~~~~~~~~

THEA

Para siyang naestatwa habang papalapit ng papalapit ang mga mukha nila. Gusto niyang itulak ito pero ayaw kumilos ng mga kamay niya. Ayaw man niya, pero awtomatikong napapikit ang mga mata niya na parang alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Maya-maya pa, nakaramdam siya ng mainit na hininga malapit sa tenga niya.

Hindi mo naman sinabi kaagad na gusto mo palang mahalikan, babebibobu ko. Gusto ko man na pagbigyan ka, ayoko dito sa public place, baka magka-issue pa tayo, maliban nalang kung magmamakaawa ka. Haha.” Pilyong sabi nito at naramdaman niyang nag-smirk ito. Napamulagat siya. Itinulak niya ito. Ngising-ngisi naman ang damuho. Para makaganti sa pangtri-trip nito sa kanya, sinapak niya ito at galit na lumabas ng classroom nila.

“That hurts, babebibobu ko. Don't worry, pag nasa private place na tayo, iki-kiss na kita para hindi ka mabibitin.. Hahaha." habol pa nito.

In your dreams! Nakaka-grrrr ka!” naiinis na sabi niya pero tawa lang ang isinagot nito sa kanya.

Anyare?” Bungad nina Veah at Kate.

Mapapatay ko yung unggoy na yun. Tara na!”  naiinis na sabi niya.

Asus, nabitin ka lang eh.” sabi na naman ng kapre na yun at nilakasan pa kaya narinig ng ibang mga kasama nila.

“Tigil-tigilan mo ako sa pantritrip mong lalake ka kung ayaw mong ipalapa kita sa mga aso sa tabi-tabi. Tss.” Naiinis niyang sabi sa sarili dito at nagmamadali ng umalis. Dapat kanina pa siya nakauwi kung hindi dahil sa kapre na ito. Hindi  na niya hinintay pa sina Katelyn at Veah. Dere-deretso nalang siya sa paglakad hanggang sa makasakay siya. Habang nakasakay sa tricycle, naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya.

“u had a great time flirting? you’re mine so stop flirting. gonna punish you soon, very soon.”

“Tss! Isa pa itong bwisit na ito! Hanggang text naman ang kaya. Bahala kayo sa buhay niyong mga baliw kayo!” kausap niya sa cellphone niya. Pinagmamasdan lang siya ng kasama niya sa tricycle na babae. Parang natatawa ito sa kanya o parang iniisip nito na baliw na siya.Nagtext ulit yung John.

"Maybe, you want to lock your doors tonight? Or better not para easy access. Remember, I always have my eyes on you.” Laking pagpipigil ang ginawa niya para hindi maibato ang sariling cellphone niya sa inis. Tsaka baka matakot pa kasi ang kasama niya. Lagi nalang siyang nakakatanggap ng threat mula dito.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon