Ako na yata ang may pinaka strict at pakialamerang Aunti sa mundo...
Naaalala ko when I was in grade school dapat lahat ng gamit ko Hello Kitty. From notebooks,
bags,pencil case,shoes, and exactly....
what you are thingking, underwears :0
But im not a big fun of Hello Kitty....
Ang gusto ko kaya yung mga cool characters like Astro Boy,
Mega-man, basta something na may pagka boyish....
Pero hindi ako tibo at alam ko sa sarili ko yan.
basta kahit sa pag pili ng colors ng damit na susuotin ko dapat naayon sa gusto niya,
kahit sa pagkain
dapat kung anu ang kinakain niya at mga paborito niya yun din ang maging taste ko.
Di lang ako makapag reklamo noon
(were not in the same taste buds kaya).
Ganyan ako pinalaki ng Aunti Rebecca bagamat strict siya at
masungit,Siguro normal na talagang maging katangian ang ganun kapag matandang dalaga na lalo't Educator pa siya
(Psychology Prof.sa St.Clarence Hill University),
Mahal ko siya. Siya na kasi ang tumayong magulang saken since namatay ang mom ko sa panganganak
(na di pinanagutan ng ama ko daw at di na nagpakita since then)
Ang panganay na kapatid ni mama ang umampon sa akin at sumalo sa mga
responsibilidad na dapat sa aking ama.
Siya ang humubog at sumubaybay sa paglaki ko. Nakakasakal pero wala ako magagawa She's my entire family eh, basta hindi aman ako
rebelde. Napalaki naman niya ako ng maayos at may respeto sa sarili at may takot sa Diyos.
Ngayong mag na-nineteen years old na ako may mga bagay na gusto ko na taliwas sa mga kagustuhan ni Aunti Rebbecca.
Feeling ko Im a butterfly na di makalabas sa coccoon.
I want to break free. Explore things by my own.
Hindi na ako bata, legal age na nga ehhh...
Lahat naman ng iutos at gusto niya sinusunod ko..
Masama bang minsan mag break ako ng rules? Kung para sa sarili ko aman at alam kong hindi ko ikasasama?
Tama na yung mga Hello Kitty noon, kasabay ng mga pagbabago sa itsura at panlabas na anyo ko ngayon
ay ang isip at intelektuwal ko.
"Stop treating me like a kid"!!! lagi kong bulong sa isip ko
pero di ko masabi ng harapan kay Aunti.
Isang bagay lang naman ang gusto ko na masunod...
ang sarili kong Pangarap at Ambisyon.
Pangarap ko ang maging singer at performer. Ang pangarap kong ito ay katulad ng hilig
ko sa pagpapalipad ng saranggola... mataas,matayog.
Naalala ko noong dalagita pa lang ako kapag sumasampid ang ginawa kong saranggola, hindi ako tumitigil na gumawa pa ng gumawa
hanggang sa ma improve ko ito at mapalipad ng sobrang tayog. Ang saya saya ko pag ganoon.