Aunti Rebecas's POV
"Good Morning Ma'am!!!" pagbati ng mga estudyante sa University, walang good sa morning ko kaya dere-derecho lang ako sa
loob ng faculty at naupo ng walang iniimik na kahit na isa sa mga co-teachers ko. Lahat sila ay iwas sa akin sa tuwing
nararamdaman nila na hindi maganda ang mood ko. Iniisip ko kung saan nakituloy ang pamangkin kong suwail. Pero isa lang ang
naisip ko na pwede niyang puntahan. Pababayaan ko muna siya dun pero kaylangan ko pamanmanan ang mga kilos niya. Mahirap
ang sitwasyon ngayon kung hindi ko siya tuluyang mailalayo ay baka tuluyan siyang malayo sa akin ng kanyang ama.
Bagay na hindi ako makakapayag isang beses na niyang tinangka na agawin sa akin ang kapatid ko na halos tinuring ko na
para ko nang anak. At ngayon si Marion na halos anak na din ang turing ko.
Flashback:
[ "Ate" sabay higpit ng yakap niya sa akin habang umiiyak. Niyakap ko din ng mahigpit ang nag-iisa kong kapatid habang ibinababa
ang kabaong na aming mga magulang sa hukay. Hindi mapatid ang pag-iyak ni Remedios habang ako, ay halos naubos na ang aking
mga luha. Sabay na namatay sa car accident ang aming mga magulang kaya maaga kaming naulila ni Remedios. 20 anyos palang
ako noon at 12 anyos naman si Remedios nang kami ay maulila. Simula noon ay ako bilang nakatatanda ang tumaguyod sa aming
pamumuhay. Ako ang nagsilbing magulang sa kapatid ko tinuring ko na siya na parang anak ko. Inaruga, pinag-aral, at binigay ko ang
lahat ng kanyang pangangailangan. Nagampanan ko yun dahil bago namatay ang Mama at Papa ay napagtapos naman nila ako sa
kolehiyo. Kaya nakapag trabaho agad ako bilang isang teacher at tumandang dalaga. Buong buhay namin ni Remedios ay umiikot sa aming dalawa. Lahat
ng bagay ay pinagkakasunduan namin bilang magkapatid. Masaya at halos perpekto ang aming relasyon bilang magkapatid. Isa sa
pinakamasayang bagay para sa akin ay ang napagtapos ko rin siya sa kolehiyo. Bagay na maipagmamalaki ko at niya. Isang kayamanan
na hindi maagaw sa kaniya kahit nino man. Hindi nagtagal ay nakapag trabaho siya at nakapag explore ng mga bagay-bagay sa
labas ng malayo sa aking paningin at saklaw. Tiwala naman ako sa kanya noon hanggang isang araw....
"Ate si Joseph fiance ko" nagulat ako sa aking narinig. Hindi ko pinaunlakan ang pagbati ng Joseph na yon. Binastos ko siya
sa unang pagkakataon. Dumating ang araw na kinakatakot ko ang may isang lalaki na maaaring maglayo sa akin sa pinakamamahal
kong kapatid. Ang mga bagay na yun ay ilang beses naming pinagtatalunan ni remedios. Araw-araw ay pilit inilalapit
ni remedios sa akin si Joseph upang aking matanggap.
"Ate mahal ko si Joseph..sana maintindihan mo ako..lahat naman ng gusto mo sinunod ko..ito lang naman ang
hinihiling ko sayo na sana mapagbigyan mo ako.." mga pagmamaka-awa sa akin ni Remedios. "Ate buntis ako at si Joseph..siya ang
ama ng dinadala ko" biglang na blangko ang isip ko sa aking narinig. At nang namalayan ko nalang ay nasampal ko at
sinaktan si Remedios ng walang kontrol sa aking galit at pagka bigla. Ito ang una at matinding pag aaway namin ng kapatid ko
At sa mga panahong iyon ay halos ikulong ko sa bahay ang aking kapatid. Sa bawat araw na pupuntahan siya ng lalaking iyon sa
bahay ay itinatago ko si Remedios at halos hindi ko siya patungtungin ng bahay. Lahat pinagkait ko sa dalawang taong nagmamahalan.
Ayokong maiwan mag isa. Kapag nag asawa si Remedios sobrang kalungkutan ang yayakap sa akin kaya nagawa ko ang mga bagay
na iyon sa kanila. Ikakabaliw ko ang mawalan ng mahal sa buhay. Naging trauma sa akin ang pagkamatay ng aming mga magulang
ng sabay at biglaan. Nagkaroon ako ng matinding takot na maiwan. "Bakit naka impake ang mga gamit natin? Ate ano ang ibig sabihin
nito?" mga pag uusisa ni Remedios. "Aalis tayo sa lugar na ito at ilalayo kita sa lalaking yun...masisira lang ang buhay mo
sa kanya at ang mga panagrap ko sayo kasabay nun masisira kaya sa ayaw at sa gusto mo aalis tayo." pagmamatigas ko.
"Ate nababaliw ka na ba? hindi ako sasama..nagmamahalan kami ni Joseph at magkaka-anak na kami..matanda na ako ate at alam ko
na ang mga ginagawa ko..bakit ba hindi mo maintindihan..napaka selfish mo ate!!!" sa mga oras na yun ay wala parin siyang
nagawa sa akin. Ako ang batas at walang pwedeng bumali sa mga kagustuhan ko kaya naka alis kami at tuluyang nakalayo nang
walang ideya si Joseph. Na depress si Remedios ng mga panahon na nailayo ko siya sa lalaking yon. Ilang buwan na hindi kami
nag-uusap ng maayos. Hindi ko matanggap na ang lalaking yun ang magpapabago ng turingan naming magkapatid.
Ilang beses din nagtangkang tumakas si Remedios subalit nabigo siya. Mahigpit ang pagpapa bantay ko sa kanya noon.
Ilang buwan pa ang lumipas at kabuwanan na niya. Subalit ang buwan na iyon ang pinaka masakit na nangyari sa akin at yun ang
tuluyang nagpahiwalay sa akin sa aking pinakamamahal na kapatid. Nagsilang siya ng isang batang babae subalit namatay siya
sa panganganak. Gumuho ang aking mundo noong mga oras na iyon. Pakiramdam ko lahat talaga ng mahal ko sa buhay iniiwan ako.
Hirap na hirap akong matanggap na wala na si Remedios. Subalit sa kanyang pagkawala ay may pumalit ang kanyang anak at siya
namang aking aarugain at ituturing kong sariling anak. Siya ay si remedios din para sa akin ang aking pinakamamahal na kapatid...]
. . . . . . . . .
Tumayo ako sa aking pagkaka-upo at tuluyang umalis palabas ng University.
-------------------------*