CHAPTER 35 LOVE TRIANGLE REVEALED

5 0 0
                                    



Marion's POV

Pagkatapos ng sagutan namin na iyon ay hindi muna ako umuwi ng bahay. Nagpunta ako sa Park na madalas namin puntahan ni Von.

Sa ilalim ng kambal na puno ay naupo ako sa lapag at dito ay napaiyak na naman ako. Yumuko ako para itago ang itsura ko sa ganitong

kalagayan. Hindi ko na napapansin ang mga taong nagdaraan dito. Pag tingala ko "Pumapangit ka na naman" habang nakaliyad ang kamay

at iniaabot sa akin ang puting panyo. Si Von pala. Naupo siya sa aking tabi at pinunasan niya ang aking luha "ako na" akmang

kukunin ko ang panyo. "Ako na" at pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Pagkatapos ay kinausap niya ako at sinabi ko sa

kanya kung bakit ako nandito umiiyak.

"Atleast ngayon nabawasan na ang bigat ng loob mo..nasabi mo na sa kanya side mo na hindi ma dati nagagawa" dahan-dahan niyang

hinawakan ang aking kamay. "Marion walang masama sa ginawa mo kung may katwiran ka naman balang araw marerealize din yan ng Aunti

mo." Tinignan ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay "Pero ayaw pa rin niya pumayag sa gusto ko at pag-uwi ko mukang

hahaba pa ang away namin hindi ko alam ang susunod na mangyayari Von..natatakot ako."

"Wag ka matakot Marion nandito ako susuportahan kita kung ano man ang mangyari" Tumingala si Von "Tignan mo sila matatag

pa din at magkasama nakakatuwa diba? Ilang tag-ulan at tag-init na silang nandiyan?" tumingala din ako para tignan ang

isinabit namin na hello kitty at dear daniel na stuff toy.

Naglabas ng cellphone si Von at nagpatugtog ng love song sa music player. Alam niya na Music is my life and cure pag may

problema ako. Ngumiti siya at napangiti din ako masaya ako at supportive siya sa akin. Nanatili kami sa ganitong setting

na hindi na nag-uusap at parehong nakikinig ng music.

Von's POV

Habang nakikinig ng music ay napasandal ang ulo ni Marion sa balikat ko. "Von alam mo bang may koneksiyon na tayo noon pa?"

bigla niyang sinabi. Hindi ko ma gets ang sinasabi niya "Anong ibig mong sabihin na noon pa may koneksiyon na tayo?"

"Kasi may panaginip ako at naging pala-isipan yon nung una at hindi ko inexpect na ikaw yon..hanggang sa napatunayan ko

ikaw nga yon ang mistery man of my dream" napatawa ako sa kwentong ito ni Marion. "Bakit ka natatawa? totoo sinasabi ko"

umayos ulit siya ng pwesto para maka-usap niya ako ng maayos. Dinampi niya ang kanyang mga palad sa aking pisngi "sana

hindi ito panaginip..kurotin mu nga ako Von" hinimas ko ang buhok niya at biglang ginulo ng bahagya "Ikaw talaga fanatic ka ba

ng mga anime or mangga? puro ka fantasy eh...hindi to panaginip at kung panaginip man sana wag na tayong magising" Napatawa

kami pareho sa isa't-isa. Tumayo ako at umalis saglit. "San ka pupunta?" tanong ni Marion. "Dyan ka lang may kukunin lang ako"

umalis ako saglit at pagbalik ko ay mukang naaliw si Marion sa nakita niyang hawak ko. Isang saranggola "Ginawa ko to kahapon

at plano ko talaga yayain ka para paliparin to ngayon..since nandito ka tara sabay natin paliparin to" napangiti si Marion at

panadalian nakalimot sa problema. Magkatuwang naming pinalipad ang saranggola dito sa park. Aliw na aliw kaming dalawa na

parang mga bata muli. Bawat hampas ng hangin ay aming nilalabanan mapatayog lang ang lipad ng saranggolang sumisimbolo

ng pagiging isa namin.

Jason's POV

Pagkatapos naming mag bonding ni Rina ay dumiretso ako sa Park gusto ko kasi makapag isa at makapag relax at dito ang perfect

na place. Naglalakad lakad ako ng may biglang bumagsak na saranggola sa harapan ko. Umupo ako at pinulot ko ito.

"Ayon..nandun!" sigaw ng pamilyar na boses ng babae at pagharap at pagtayo ko ay nagulat ako gayundin ang dalawang

tao na kaharap ko. "Jason?" "Insan?" magkasabay nilang sinabi. Daig pa nilang dalawa ang nakakita ng multo.

"Ahhhh Kayo pala? teka a-anong ginagawa niyo dito?" Nagtinginan

silang dalawa at wala halos maisagot sa tanong ko. "Ahm J-Jason...." tanging nasabi ni Marion na halatang may itinatago.

"Insan hindi sinasadya nagkita kami dito" bigla akong sumingit na hindi ko man lang pinatapos ang pagdadahilan ng pinsan

ko. "Von wag kanang magkunwari alam ko na may namamagitan sa inyo..ok lang naman ako, wala naman ako karapatan para magselos.

Isa pa hindi naman kami ni Marion at single siya, maging ikaw walang kaso sa akin sige mauna na ako" Labas sa ilong at

labag sa dibdib ko ang mga nasabi kong ito. Napakasakit para akong pinatay ng tatlong ulit. Tumalikod ako bigla kasi ayokong

mahalata ni Marion na nangingilid ang luha ko. "Insan! saglit.." tinawag ako ni insan Von subalit dumire-deretso na ako ng

lakad ko.

Von's POV

Halong hiya at konsensiya yan ang nararamdaman ko habang nakikita kong papalayo si Insan Jason. Habang si Marion ay walang imik

at hindi makagalaw sa pwesto niya. Tila pareho kami ng nararamdaman. Mukang magkakaroon kami ng gap ng pinsan ko na parang

kapatid ko na. Sa tagal ng panahon na super close kami ngayon lang kami nagkaroon ng hindi pagkakasunduang bagay. Ang

hirap ng sitwasyon ko kaylangan ko manimbang ang relasyon ko kay Marion oh ang relasyon ko bilang pinsan kay Jason.


--------------------------*

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon