(same night)
VON'S POV
Nag pa flash back sa akin ang mga nangyari kahapon.
Big deal ba sa akin? E ano simpleng banggaan lang naman yon. Hindi ko type ang tipo niya. Bakit ko pa naiisip yung nangyare?
Naguguluhan ako iba kasi yung naging timpla ng reaksiyon namen pareho.
Ahh basta ang tipo ko sa isang babae wala sa kanya lahat.Tapos. Yan ang pagtatalo ng isip ko ngayon habang nakahiga ako
sa aking kama. Late in the evening na pero hindi pa din ako dalawin ng antok. Tumayo ako sa aking pagkakahiga at bumaba sa
kitchen maghahanap lang ako ng maiinom.
Pagkatapos kong uminom ng malamig na malamig na tubig ay napagdesisyunan kong lumabas para magpahangin sa terrace.
Naupo ako at sumandal sa sementadong upuan. Sa katahimikan ng gabi ay naalala ko naman ang boses ng babaeng hindi ko kilala
at hinahanap hanap ko sa tuwing maririnig ko ang kanyang nakakahumaling na tinig. Gusto ko talagang malaman kung kanino
nanggagaling ang magandang boses na iyon. Nakaka inlove kasi. Sino siya sa mga estudyante ng SCHU?
Siguro muka siyang anghel dahil boses anghel siya.
JASON'S POV
Hating gabi na pero hindi pa din ako makatulog. Kagaya ng ginagawa ko sa tuwing hindi ako dalawin ng antok ay umiinom ako
ng beer. Hayst pano ko kaya sasabihin kay Marion? Hanggang kaylan ko kaya mapapanindigan ang pagka torpe ko?
Naiinis ako sa sarili ko naduduwag kasi ako, natatakot na pano kung hindi magustuhan ni Marion ang fact na gusto ko siya?
Baka magbago ang pakikitungo niya sa akin.
Isang malalim na buntong hininga lamang ang nagawa ko. Patuloy ang pag lagok ko ng beer naway pagkatapos nito ay tamaan na
ako ng antok.
MARION'S POV
Mix feelings ako ngayong gabi pati nadin ang aking pag iisip sa mga bagay bagay. Kinuha ko ang libro ng mga panaginip sa
study table ko at binuksan ang mga pahina nito. Si Sir.Jason siya nga ba talaga yon? kaylangan makuha ko pa ang ibang clue
at mag iimbestiga pa ako kung magmamatch sa kanya lahat ng palatandaan na nasa panaginip ko. Pero yung pendant palang
malakas na ibidensiya na siya na nga iyon. Iniinsist tuloy ng utak ko ngayon na What if ako yung tinutukoy niya na girl na
nagugustuhan niya. Sa mga effort niya rin sa akin, oo nga bakit hindi ko napapansin yon?
Sa isang banda ay bigla din pumasok sa isipan ko si Von. nagpa flash back sa akin yung mga nangyari sa park.
Everytime na maiisip ko yun ay hiyang hiya ako sa aking sarili. Sa mga susunod na araw na magkakasalubong kami sa Campus
ano kaya ang magiging inarte ko? Aawayin niya kaya ulit ako? Naku nako kaylangan ko na gumawa ng tulog para bukas
hindi ako mukang stress. OMG nagiging conscious ata ako ngayon ahhh.
(ALL) Lights OFF.....
---------------*